bookssland.com » Fantasy » Four-Leaf Clover - Crimson Skye (fantasy books to read .TXT) 📗

Book online «Four-Leaf Clover - Crimson Skye (fantasy books to read .TXT) 📗». Author Crimson Skye



1 2 3
Go to page:
lamang niya ang mga sandaling kasama pa niya si Kate. Natatakot siya sa mga pwedeng mangyari. Natatakot siya na sa pag gising niya, bumalik na lamang siya sa panahon na wala na ito. Ngunit hindi nya makakaila na nalilimutan niya ang lahat ng iyon sa tuwing makikita nya itong masaya. Sa bawat ngiti. Sa bawat tawanan. Sa bawat oras na lumilipas. Wala nang iba siyang hinihiling kundi sana… hindi na dumating pa ang bukas. Na sana hindi nalang matapos ang kasalukuyan. Subalit dalawang araw na ang lumipas at bukas na ang araw na kinatatakutan niya.

“Kate…” wika niya dito habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. “Kailangan mo ba talagang pumunta sa Vienna para lang sa event na yon?”

Ngumiti ito. “Hindi lamang sa gusto ko ang musika at sa event. May ibang rason rin kung bakit pinili ko ito.” Medyo matamlay ang boses ng nobya niya.

Hindi na pinansin pa ni Shawn ang sinabi nito at minabuti nang unahin ang mas importanteng bagay na sasabihin niya. Baka sakaling paniwalaan siya nito. “Mamatay ka kapag itinuloy mo ang plano mo.”

Natigilan naman ito sa sinabi niya. Gulat at mukhang naguguluhan. “Ano ba talagang nangyayari sayo? Saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mong yan?”

“Maniwala ka sa akin. Alam ko na ang mangyayari.” Seryoso niyang sabi dito. “You’ll die in a plane crash at bukas yon mangyayari.”

“Pwede ba, kung ayaw mo akong tumuloy sabihin mo nalang ng diretsahan. Hindi yong kung anu-ano at walang katotohanang bagay ang ginagawa mong dahilan!” Itinulak siya nito at nagmamadali nang naglakad papasok ng bahay. “Sino ka ba para malaman ang mangyayari kinabukasan? Nababaliw ka na!”

Isinara nito ang pinto bago pa man niya ito mapigilan. “Kate! Maniwala ka sa akin! Nagsasabi ako ng totoo!” Panay ang katok niya ngunit hindi na siya pinagbuksan nito.

Matagal na hinintay ni Shawn para pagbuksan siya ng pinto ni Kate. Panay na rin ang text at tawag niya ngunit hindi naman ito sumasagot o nagrereply man lamang. Lahat ng kasiyahan na nadama niya ng nakalipas na dalawang araw ay tila napapalitan na naman ng kalungkutan at pangangamba. Lahat nga ba ng kasiyahan ng tao ay may hangganan?

July 28. Maagang nagising si Kate. Isa-isa niyang chineck lahat ng mga gamit niya. Lahat ay naisaayos na at handa na rin siya para umalis. Sumagi sa isip niya ang nobyo. Balak na sana niya itong tawagan para magpaalam dahil hindi na niya magagawang magpaalam dito ng personal ngunit nagdalawang isip siya. Ilang minuto nalang ay aalis na rin siya. Hinihintay na lamang niya ang sasakyan ng kaibigan niya na pumayag para ihatid siya sa airport.

Nasa waiting area na siya ng mapansing nawawala ang plane ticket at passport niya. Alam niyang naisama niya ito sa journal at music sheet na nasa mga gamit niya. Naiwan niya ito sa sasakyan ni Shawn ng nakaraang araw at kababalik lang nito sa kanya pero wala na doon ang plane ticket at passport na kailangan niya para sa authentication. Sigurado siyang kinuha ito ng nobyo niya. Agad niya itong tinawagan ngunit walang sumasagot. Ilang minuto nalang at flight na niya ngunit hindi pa rin niya mahagilap ang lalaking yon. Mahalaga pa naman sa kanya ang event. Mangiyak-ngiyak na siya nang sa wakas ay may sumagot na rin sa tawag niya. Ang masama nga lang ay nakaalis na ang eroplanong kanyang nakatakdang sakyan.

“Bakit mo kinuha ang passport at plane ticket ko?” Hindi na niya napigilang humagulgol sa sama ng loob sa kasintahan. “Alam mo ba kung gaano kahalaga ang bagay na yon sa akin?”

“Maiintindihan mo rin ang lahat.” Sabi nito sa kanya at tuluyan ng pinutol ang tawag.

Wala na silang nagawa pa kundi ang bumalik nalang ulit ng bahay. Nasa sariling kwarto si Kate at nagmumukmok ng tawagin siya ng kaibigan niya na noon ay nanunuod ng TV. Nanlaki ang mata niya ng mabasa ang naka-flashed na headline dito. Ayon sa balita, nagkaroon ng malfunction ang engine ng eroplano at bumagsak ito sa dagat saka nagliyab. Kasalukuyan pa rin ang retrieval operation ngunit pinangangambahan na wala ng survivor dito.

Bumuhos ang luha niya kasabay ang pamumutla sa nalamang balita. Shawn was right all along. Magka-crash nga ang eroplano at dapat sana ay patay na siya. Pero paano ito nalaman ng nobyo niya? Naninikip ang dibdib ni Kate. Bigla nalang nanlabo ang paningin niya at hindi na alam pa ang sumunod na nangyari.

***

Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa ring balita si Shawn sa kasintahan. Ni tawag o text man lang ay wala siyang natatanggap ni isa mula dito. Wala ring may alam kung saan ito nagpunta. Kahit na araw-araw niyang dalawin ang bahay nito ay wala nang tao doon. Hindi ito madali sa kanya pero ang mahalaga ay ang malaman na buhay ito. Lumipas ang maraming araw hanggang sa dumating ang petsa kung kailan niya nakita ang wishing leaf na yon. August 7 ang eksaktong petsa. Naisipan niyang pumunta sa lumang park. Naglalakad siya sa malawak na pathway nang may mapansin sa di kalayuan. Bahagya siyang lumapit at nakita niya ang isang babae na nakamasid sa kabuuan ng lugar.

“Kate!” Tawag niya dito.

Lumingon ito ngunit parang hindi na siya nito makilala. Maraming nagbago dito. Ang uri ng pananamit nito. Ang ayos ng buhok maging ang kulay nito na dati ay kulay itim at hanggang beywang, ngayon ay hanggang balikat nalang at naging kulay brown. May suot na rin itong salamin at waring hindi talaga siya kilala. May hawak rin itong camera sa kanang kamay. “Kate? Hindi Kate ang pangalan ko. Lucy.”

Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. “Anong ginagawa mo sa lugar na ito?”

“Naghahanap ako ng magandang lugar para sa photo shoot,” sagot naman nito. “Sakto namang naligaw ako dito.”

Mukha ngang hindi ito si Kate na kilala niya at kamukha lamang nito. Tumago si Shawn sa paliwanag nito. “Ganoon ba? Kamukha mo kasi ang isang taong mahalaga sa akin.”

Ngumiti ito. “Marami kang taong matutulungan.” Mahina nitong wika.

Hindi naman ito nakaligtas sa pandinig niya. “Ano?” Maang na tanong niya dito. Mga taong matutulungan? Tama ba ang narinig niya?

Umiling ito. “Wala iyon. Sige. Mauna na ako sayo.” Lumakad na ito palayo sa kanya. Ilang hakbang na ang layo nang lingunin siya nito at muling magsalita. “Tiyak na mahalaga ka rin sa taong yon.” Pagkasabi noon ay tuluyan na itong umalis.

Tss. Shawn smirked. Napaka-weird naman niya. Ipinihit niya ang katawan sa ibang direksyon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi talaga niya akalain na makakakita siya ng taong kahawig ng nobya niya. Naisip tuloy niya kung nasaan na nga ba ito? Ano na kaya ang ginagawa nito? Maayos ba ang kalagayan? Masaya ba o ano? Napabuntong-hininga siya.

Lumipas ang dalawang linggo. May natanggap nalang siyang accredited letter. Ayon dito, nakapasa sya sa licensure examination niya. Ganap na siyang doktor. Kung kasama lamang niya si Kate ay tiyak na matutuwa ito. Ito kasi ang nag-encourage sa kaniya na ipagpatuloy ang nasabing propisyon. Sayang lamang at hindi na ito nagpakita pa sa kanya kahit sa huling pagkakataon man lang. Huli na nilang pag-uusap ang nasa airport ito. Wala man lang magandang paghihiwalay ang naganap sa pagitan nila.

Ilang mga araw pa ang lumipas at unti-unti na niyang nakakalimutan si Kate. Marahil ay may panibagong buhay na rin ito. Marahil ay masaya na ito sa desisyong pinili. Nasa health care mission siya ng mga panahong iyon. Isa na siyang doctor sa isang pampublikong ospital. Mas pinili niya ang magtrabaho dito sa kabila ng maraming offer na inaalok sa kanya ng mga naglalakihan at pribadong ospital. Hindi naman niya habol ang pera. Ang mahalaga ay makatulong siya sa mga nangangailangang pasyente. Napatingin siya sa relo na nasa bisig niya. Ikinagulat niya nang makitang umaandar na ulit ito. Akala ni Shawn ay nasira na talaga ang relong yon. Mahalaga sa kanya ang relo na yon dahil sa ama pa niya ito nanggaling. Biglang namang tumunog ang cellphone niya. Halos hindi siya makapaniwala sa nalaman at muntik na nga itong mahulog sa sama ng loob na nararamdaman niya. Ngunit hindi siya pwedeng magkamali sa narinig.

Wala na si Kate. Wala na si Kate, Shawn. Ito ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa utak niya. Paulit-ulit niyang naririnig ang mga pangungusap na yon. Hindi siya makapagsalita nang mga oras na kausap niya ang kaibigan ni Kate na noon lamang niya nakausap. Ayon dito, isang araw na ang nakalilipas ng mailibing ang nobya niya. Ibinigay nito sa kanya ang address ng bahay ng lola nito. Wala na kasi itong mga magulang at nag-iisa nalang sa buhay. Agad naman niya itong pinuntahan.

Isang matandang babae ang naabutan niyang nagdidilig ng halaman. Ito marahil ang lola ni Kate. Ngumiti naman ito ng makita siya. “Tuloy ka apo.” Aya nito sa kanya.

“Kilala nyo po ako?”

“Bakit naman hindi? Lagi kang ikinukwento ni Kate sa akin,” sagot naman nito habang naglalakad sila papasok sa bahay nito. “Mahal na mahal ka ng apo ko.”

Noon lamang niya nalaman na matagal nang may sakit ang nobya niya. Stage three na ang liver cancer nito. Hindi naman ito umiinom ng alak at maingat sa sarili kaya nakapagtataka na ganoong karamdaman pa ang nakuha nito. Ayon naman sa lola nito, hereditary ang naging dahilan. Namana iyon ni Kate sa ama nito.

“Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nya mabitawan ang oportunidad na natamo niya ng mapili siya sa kompitisyong pinakahihintay niya.” Kwento pa ng lola nito. “Malaking halaga rin ang makukuha niya dito na tiyak na makatutulong sa binabalak niyang pagpapasailalim sa operasyon. Nagbabakasakaling maagapan pa ang sakit niya at madagdagan pa ang buhay ng apo ko.”

Hindi na napigilan pa ang pag-agos ng luha niya. He thought he had defeated death. He thought he had cheated death. Pero nagkamali siya. Nailigtas nga niya si Kate sa una ngunit ang pangalawa ay mahirap nang maiwasan pa. Kung ganun, nakasama nya itong muli para lamang makapagpaalam sana ng matiwasay dito. Pinahintulutan siyang mahiram ang ilang sandali na alam niyang hindi mangyayari kanino man. Sandali na lubos niyang ipinagpapasalamat.

Napatingin siya sa larawan na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Ito ang mismong babaeng nakita niya sa park! Kung ganun, si Kate at ang babaeng yon ay iisa? Bakit hindi niya nalaman yon? Bakit ito nagpanggap na ibang tao? Siguro ay ayaw na nitong makita niya ang paghihirap nito sa sakit na iniinda. Siguro ay nalulungkot ito dahil nabaliwala ang inaakala niyang pagkaligtas dito sa nakatakdang kamatayan. O hindi kaya…?

Iniabot ng lola ni Kate ang isang journal sa kanya. Nakasingit sa unahang bahagi nito ang isang larawan. Siya ang nasa larawang iyon. Kuha ito sa lumang park habang nakatingin siya sa kalangitan noong araw na makita niya ang nasabing babae na hindi niya aakalaing si Kate. “Ipinabibigay ni Kate ang bagay na yan sa iyo bago siya bawian ng buhay. Lagi niyang tinitingnan ang larawang iyan saka siya ngumingiti.” Umiiyak na rin ito dahil sa pangungulila sa apo.

Di naman sinasadyang napadako ang paningin niya sa likod na bahagi ng larawan na yon. Mababasa dito ang isang sulat kamay na mensahe:

“Sadyang hindi nakakalimot ang puso. Masaya akong makita siyang muli kahit na sa huling pagkakataon. Totoo. Naduwag ako at hindi ko siya hinarap. Ayokong makita niya ang kalagayan ko at pinagsisisihan ko ito. Ngunit huli na ang lahat. Nawalan na ako ng oras at ang bagay na yon nalang ang tanging solusyon. Naniniwala ako sa isang alamat dahil ako mismo ang nakasubok sa hiwaga nito. Hindi natin mapipigilan ang oras o dayain ang kamatayan. Tanging ang magagawa lang natin ay pahalagahan ang bawat segundo na meron tayo. It’s true that we only live once. But if we live it right… one is enough.”

Nahulog ang isang tuyong halaman na nakadikit dito — isang wishing leaf. A four-leaf clover.


TO GOD BE THE GLORY

“EVERYTHING THAT HAPPENS IN THIS WORLD HAPPENS AT THE TIME GOD CHOOSES.”

ECCLESIASTES 3:1

1 2 3
Go to page:

Free e-book «Four-Leaf Clover - Crimson Skye (fantasy books to read .TXT) 📗» - read online now

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment