Reckless Heart - Crimson Skye (always you kirsty moseley .txt) 📗
- Author: Crimson Skye
Book online «Reckless Heart - Crimson Skye (always you kirsty moseley .txt) 📗». Author Crimson Skye
Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa baril ng makitang kinuha ni Lance ang isa pang baril na nakatago sa loob ng suot nitong tuxedo at itinutok sa direksyon niya. Pati ba naman siya ay papatayin na rin nito? Mali ata ang mahalin ang isang taong kagaya niya. Tumindi ang galit na namuo sa puso ni Crystell. “Bakit Lance? Bakit??!”
“I’m sorry, Crystell.” He said and pulled the trigger. Napapikit na lamang si Crystell at hindi na nalaman pa ang buong detalye dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa lugar. Ilang sandali pa ay iminulat ulit niya ang mata at nagulat siya ng hindi naman sa kanya ipinutok ni Lance ang baril kundi sa dakong likuran niya. Ang pagkakamali lang niya ay naiputok niya rito ang baril na hawak at tinamaan ito sa dibdib. Ngumiti lamang ito sa kanya kasabay ang pag-agos ng sariwang dugo mula sa mga labi nito saka dahan-dahang bumagsak sa sahig. Nagulat naman siya nang may kung anong bagay na nagdulot rin ng kakaibang ingay mula sa likod niya. Nilingon niya iyon at nakita niya ang kanyang kuya Justin na duguan at nakahandusay na rin sa sahig. Isa pa sa nagpahilakbot sa kanya ay ang hawak nitong baril na malamang ay sa kanya sana nakatakdang gamitin. May lihim rin bang galit sa kanya ang kuya niya? Masisiraan na ata siya ng ulo sa mga nangyayari. Ang tatlong taong iniingatan niya. Ang tatlong taong pinahahalagahan niya. Ang tatlong taong nagbigay kabuluhan sa buhay niya ay mawawala nalang sa isang iglap at sa mismong kaarawan pa niya!
Naalala nya si Lance at madali niyang pinuntahan ito. “Lance… ” umiiyak niyang tawag dito habang kinakandong ang ulunan nito. “Ngayon palang pinapatawad na kita. Walang maidudulot na maganda ang paghihiganti at pagkamuhi. Sana mapatawad mo ako. Hindi ko sinasadya.”
Bahagya nitong iminulat ang mga mata. “Salamat at nakuha ko rin ang kapatawaran mo. Hindi na rin ako magtatagal… at least, aalis ako sa mundong ito ng payapa ang kalooban ko.” Hinawakan nito ang mukha niya. Umaagos mula sa labi nito ang sariwang dugo. Kung pwede lang na hatian o kunin na niya lahat ang kirot at sakit na iniinda nito, matagal na niyang ginawa. “Wala kang dapat ihingi ng tawad. Wala kang kasalanan. The fault was all mine and mine alone. Mas mabuti na rin ito. Pinagbabayaran ko lang lahat ng kasalanan ko.”
“Paano naman ako? Wala nang natira sa akin…” Umiiyak niyang wika dito.
Pinawi nito ang luha sa mga mata niya. “Noon ko pa gustong gawin ang bagay na ito. Yon nga lang, ngayon pa ako nagkaroon ng pagkakataon.” Pabagal ng pabagal ang paghinga nito. “Lagi… L-Lagi mong tandaan itong sasabihin ko sayo. Mahal na mahal kita. Yan ang totoo.”
Maya-maya pa ay magkasunod na putok ng baril ulit ang umalingawngaw sa lugar. Hindi kaagad naramdaman ni Crystell ang sakit. Ilang sandali pa bago niya ito nalamayan. May tama na pala siya sa may tagiliran at bandang likuran niya. Para sa kanya na pala ang mga bala na yon. Unti-unti na rin siyang bumagsak sa sahig. Unti-unti na rin siyang nanghihina dahil sa mga dugong umaagos mula sa katawan niya. Masakit. Ramdam na ramdam niya ang sakit.
“Awwww…” Ang kuya niya. Akala niya patay na ito. Mataman lamang siyang nakatitig dito at hindi na niya makuhang igalaw pa ang katawan. Lumakad ito palapit sa kanila at bahagyang yumukod. “Nakakaawa naman kayong dalawa. Nakaka-touch. Parang yong mga sweet moments sa pelikula.” May pagtawa pa ito. “Buti nalang at naisipan kong mag-suot nito.” Ipinakita nito sa kanya ang bullet-proof vest na suot saka ngumiti ng may pangungutya. Kahit kailan tuso talaga ito. “Well… nagpapasalamat ako sa engrandeng birthday mo. Ang gandang regalo naman nito sa akin. Biruin mo ako na ang magpapatakbo sa lahat ng business ng pamilya natin? Wala na ring makulit na matandang laging magsesermon sakin.” Tumingin ito sa katawan ng Daddy niya sa tumawa. “Mawawala na rin ang karibal ko sa posisyon at atensyon ng lahat. Isang perfect na pagkakataon, hindi ba?” Tumayo ito at lumakad palayo sa kanya. May pagsulyap pa ito saka sinabing, “Rest in peace… kapatid. Kapatid? Tss. Kahit kelan hindi kita itinuring na kapatid.”
Nagulat siya ng biglang may bumaril kay Justin. Sa ulo ang tama nito at agad na bumulagta sa sahig. “Rest in peace too… Justin.” Si Lance. Kahit na mahinang-mahina na ito ay nagawa pa rin nitong patamaan ang wlang hiya niyang kapatid.
Mahina lamang ang pagkakasabi ni Lance pero narinig pa rin niya. Ganoon daw kasi kapag malapit ng mawala sa mundo. Lumalakas lahat ng senses ng katawan. Sense of hearing. Naririnig niya lahat. Pati ang papahina na heartbeat niya. Sense of touch. Damang-dama niya ang sakit na unti-unting pumapatay sa kanya. Sense of smell. Naamoy na niya ang kamatayan. Sense of taste. Kanina pa niya nalalasahan ang sariling dugo na umaagos palabas sa bibig niya. Sense of sight. Namulat na ang paningin niya. Pati ang diwa niya. Hindi kayang palitan ng material na bagay ang lahat — ang buhay ng isang tao. Ang pagmamahal. Ang poot at galit. Ang bawat sandali na lumilipas. Ang lahat ng ito ay hinding-hindi mapapalitan ng kahit na anong salapi sa mundo. Kahit na ganoon, masaya siyang naabutan pa niya ang ika-dalawampo niyang kaarawan. Hindi nga lang nya inaasahan na sa ganitong araw rin ang kanyang magiging kamatayan. Death is inevitable and living is hard. Totoo yan. Pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat siya sa buhay at sa pagkakataong mabuhay na ipinagkaloob sa kanya.
Binitawan ni Lance ang hawak na baril at pilit na inabot ang kanyang kamay. Ngumiti ito. Isang ngiti na walang halong pagpapanggap. Isang ngiti na noon lang niya nasilayan. Masaya na si Crystell sa bagay na yon. Mahal nila ang isa’t isa. Hindi nasukat ang lahat sa kung paano sila nagkakilala. Maging ang magulong mundo na kung saan sila nabuhay. Ang mahalaga ay magkasama pa rin nilang hinarap ang lahat hanggang sa huling pagtibok ng mga puso nila. Mga pusong hindi nag-iisip dahil hindi naman ito binigyan ng kakayahang mag-isip di tulad ng sa utak. Mga pusong ang tanging nagagawa ay maramdaman ang mga bagay na hindi kayang idikta nino man. Mga pusong tinaguriang… reckless. Their reckless heart. Hindi nababatay ang lahat sa kung paano nagsimula ang isang bagay bagkus ay sa katapusan nito.
Sabay na nilang ipinikit ang mga mata para magpahinga ng panghabang panahon. Sabay na nilang iginawad ang kapatawaran na siyang tanging magpapalaya sa mga kalooban nila. Sabay na rin nilang tinalikdan ang kamunduhan at tinanggap ang katotohanan na ang lahat ay may katapusan. Ang mga bagay na ito ang dahilan ng mga ngiti na nakaguhit sa kanilang mga labi. Maging ito pa ay huling… sandali.
TO GOD BE THE GLORY
“COME TO ME, ALL OF YOU WHO ARE TIRED FROM CARRYING HEAVY LOADS, AND I WILL GIVE YOU REST. TAKE MY YOKE AND PUT IT ON YOU, AND LEARN FROM ME, BECAUSE I AM GENTLE AND HUMBLE IN SPIRIT; AND YOU WILL FIND REST. FOR THE YOKE I WILL GIVE YOU IS EASY, AND THE LOAD I WILL PUT ON YOU IS LIGHT.”
MATTHEW 11: 28-30
ImprintText: CrimsonSkye
Images: CrimsonSkye
Publication Date: 04-12-2014
All Rights Reserved
Dedication:
To all my Wattpad readers, with love.
Comments (0)