bookssland.com » Romance » 25th Hour - Micah Fruto (good short books txt) 📗

Book online «25th Hour - Micah Fruto (good short books txt) 📗». Author Micah Fruto



1 ... 27 28 29 30 31 32 33 34 35 ... 39
Go to page:
niya na hindi ka niya mahal tapos sinabi niya na mahal ka niya kanina lang?" umiling-iling siya, "Ano bang klaseng utak meron yung tao na iyon?"

Kahit si Kay eh hindi rin maintindihan yung takbo ng utak niya. Sino kayang may kaya?

Kumain na lang kami at hindi na namin pinag-usapan si Jasper. Si Mandee naman eh panay ang parinig ng 'Impostor' doon sa table niya kaya lang hindi na namin pinapatulan. Paano kaya niya nagagawa iyon? Paano niya nakukuhang lokohin yung sarili niya pati ang ibang tao?

"Tara na nga Riel.." hinila ako ni Kay nung matapos siyang kumain, "Ayoko na makarinig ng kahit ano galing sa babae na iyan dahil makakatikim sa akin yan!" galit na galit talaga siya, "Kaya parang walang gulo, tayo na ang umalis."

Dinaanan namin yung table ni Mandee one last time at narinig ko pang sinabi niya na 'Guilty kasi..'

Umarte naman si Kay na susuntukin niya si Mandee, kaya mukhang natakot. Hindi naman niya ginawa eh.

Isa kami sa mga naunang nakabalik sa room. Wala pang masyadong tao doon sa upuan namin sa bandang dulo pero naupo na kami. Hindi rin naman nagtagal, pumasok din si Carlo at ang bilis-bilis maglakad. Kinuha lang niya yung bag niya at lalabas na yata uli.

"Psssttt!" tinawag siya ni Kay kaya huminto siya nung nandun na siya sa upuan.

"Bakit?!"

"Tara nga dito.." nag-sign si Kay sa kanya na umupo doon sa upuan sa tapat naming dalawa.

"Bakit nga?" ayaw niyang lumapit.

"Sabi ko tara dito.."

Dahil ayaw naman sabihin ni Kay sa kanya kung bakit, lumapit na rin si Carlo nun at naupo doon sa upuan sa harap namin. Nakabukas pa yung polo niya kaya kita yung t-shirt niya sa loob.

"Ano bang meron?" nagtanong siya kaagad nung kauupo pa lang niya, "Hindi ako pwedeng magtagal.. aalis na rin ako--"

"Magtatanong lang sana ako.." tapos tumingin siya sa akin saglit, binalik niya kay Carlo, "Anong meron doon sa kaibigan mo?"

Halata mong hindi inaasahan ni Carlo yung tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hinampas ni Kay si Carlo sa braso niya.

"Come on Carlo! Alam ko mas marami ka pang alam sa akin!" himampas niya uli, "Huwag ka nang magkunwari! Anong problema nun?"

"You mean yung ngayon--?"

"Hindi, yung nangyari sa kanila.." tinuro ako ni Kay.

Nabaling naman yung tingin ni Carlo sa akin. Seryoso naman siya nun.

"Sorry Riel ah, di ako pwedeng magsabi sa iyo ng kahit ano. Baka kasi magalit si Jasper sa akin."

Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko. Alam ko may alam si Carlo. Hindi pwedeng wala.

"Siya nga ang nagsabi sa akin na tanungin kita." naiiyak na naman ako nun, "S-sinabi n-niya sa akin na... na hindi niya ko mahal."

"Sinabi niya yun?!?" parang nagulat siya sa sinabi ko.

"--sa iyo ko daw tanungin kung bakit.. at kung anong meron."

Humawak si Carlo sa kamay ko nun. At least kahit papaano, ramdam ko na parang dinadamayan niya rin ako.

"Riel sinabi ko naman sa iyo na hindi ako pwedeng magsabi sa iyo ng kahit ano," tapos tumingin siya sa bandang likuran niya, "Pero hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa iyo na.."

Huminto siya nun at hindi niya matuloy yung sasabihin niya. Hinampas uli siya ni Kay ng malakas.

"Aray ko naman Kay! Bakit mo ko hinampas?!" hinimas niya yung braso niya.

Kahit na lumuha na naman ako nun, nakuha ko pang tumawa.

"May pasuspense-suspense ka pa kasi.. sabihin mo na nga!"

"Okay okay.." tinaas niya yung dalawang kamay niya, "Huwag mo akong hahampasin!" tapos lumayo siya ng kaunti kay Kay at sa akin nag-lean, "Riel, Jasper lied to you."

Lalo naman akong naiyak nun. Totoo nga. Totoo yung sinabi ni Jasper. Nagsinungaling siya sa akin na mahal niya ko.

"I know that. Sinabi niya sa akin."

"No.. no!" pinunasan niya yung luha ko, "Nagsinungaling siya pero hindi yung iniisip mo. Nagsinungaling siya na hindi ka niya mahal." umiling siya, "Mahal ka niya. Mahal na mahal."

Tumawa naman ng kaunti si Carlo.

"Pero bakit sinabi niya yun?"

"Oo nga!" nakiayon naman si Kay, "Gusto pa niya may brain teaser pa kami na iso-solve!"

"I told you hindi ako pwedeng magsabi ng kahit ano dahil nangako ako. Marami lang talagang problema si Jasper ngayon. Pero mahal ka niya." huminga siya ng malalim, "Ikaw nga yata ang unang babaeng niligawan nun eh. Torpe kasi." ngumiti siya sa akin, "Pero yun nga, nung gabi na nag-usap kayong dalawa.. nag-usap o nag-away.. hindi ko alam.." huminto siya saglit tapos tinuloy din niyay ung sasabihin niya, "Umiyak siya nun. Si Jasper hindi basta-basta umiiyak unless nasaktan siya talaga."

"Naguguluhan pa rin ako. Bakit imbis na mabawasan yung tanong sa utak ko sa pagsasabi mo sa akin niyan, parang lalong nadadagdagan? Bakit ba niya sinabi yun--"

"Sorry, hindi ko talaga masasabi. Gustuhin ko man. Ayaw ko lang makialam. Sa tingin ko kung mayron mang taong dapat magsabi sa iyo, si Jasper yun."

Tumayo naman ako doon sa upuan ko at parehas silang tumingin sa akin. Pinunasan ko uli yung luha ko at nagsimula na akong maglakad.

"Teka, cousin saan ka pupunta?" tinanong ako ni Kay nung paalis na ako.

Lumingon naman ako.

"Kay Jasper. Hahanapin ko siya. Gusto ko lang magkaliwanagan na. Ayoko ng ganito.."

Napatayo rin si Carlo nun. Tumakbo siya sa kinatatayuan ko.

"Wait!" humawak siya sa dalawang braso ko, "You can't do that!"

"Bakit naman?" pinipilit kong alisin yung kamay niya sa braso ko, "Kakausapin ko lang siya!"

"Hindi mo ba alam?!?" tinanong niya ako kaya lalo akong nalito.

"Alam na ano? Ano bang meron? Ang gulo na masyado. Anong hindi ko alam?!?"

Yumuko si Carlo nun at binitawan na niya ako.

"I'm so sorry Riel. I'm afraid you can't do that." tinignan ko siya na puzzled ako.

"Nag drop out na siya sa school..."

************

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nung mga oras na iyon, pakiramdam ko eh huli na ang lahat. Kung iniiwasan niya ako at ayaw niyang makipag-usap sa akin, then that's it. I respect his decision.

Wala akong karapatan para pigilan siya. Isa pa kung gawin ko man, wala na ring mangyayari dahil nagawa naman na niya. Ang tanging gumugulo lang sa isip ko, kung talagang iniiwasan niya ako eh hindi naman niya kailangang mag drop out. Ako na lang sana para mas maging ayos ang lahat.

Umiyak ako syempre. Hindi ko na maiiwasan yun. Yung iba nga sa school iniisip na siguro na crybaby ako. Maybe I am. Ganun pa rin, walang pagbabago sa school. I'm still the same Riel na impostor sa paningin ng iba.

After ilang days at hindi na nga pumapasok si Jasper sa school namin ng tuluyan, lumabas naman yung class rank namin. Siguro nga dapat akong maging masaya, lumabas na pang-1st ako.

"Congrats couz!" sabi sa akin ni Kay tapos tinapik ako sa balikat.

Ngumiti ako nun pero hindi ako masayang-masaya. As far as I know, wala akong pakialam sa class rank. Lalo pa nung sinabi nung teacher namin na...

"Riel, points lang ang pagitan niyo ni Jasper. Nag rank 1st siya by point zero five, pero since wala naman na siya sa school.. ikaw na ang 1st. Congratulations."

Noon nung unang beses na nakarating ako sa school na ito, masayang-masaya ako. Pakiramdam ko totoong teenager ako. Pero yung school spirit na iyon, matagal nang nawala sa akin.

Kinaumagahan nun, inasar pa rin ako ni Mandee. Ayun, hindi ko na pinapansin dahil katulad nga ng sabi nila, sanayan na lang din. Ang gusto ko lang ay matapos na yung school, may christmas vacation at makalayo sa lahat. Siguro sa ganun marerelax ako sa bahay namin at baka makalimot na rin. Dahil sa ngayon, walang nangyayari sa akin.

Carlo's still around. Pero syempre katulad ko, halata mong malungkot siya. Ilang buwan ko na rin siya kilala at kadalasan pa nung mga panahon eh kasama niya si Jasper. Pero ngayon kung titignan mo siya, parang may kulang. Pangiti-ngiti lang siya, kakaway o kaya naman babati. Pero kulang... kulang talaga.

Nung nag-iisa nga ako at nakatingin na naman sa kawalan, tumabi pa siya sa akin.

"He's doing alright.." sabi niya na parang tinanong ko siya kahit hindi naman, "Umuwi siya sa probinsiya nila. Sa uncle at auntie niya. Alam ko doon na niya balak magtapos ng high school."

Tinignan ko lang siya at hindi na ako sumagot. Hindi rin naman nagtagal, eto na naman si Mandee. Nagiging habit na nga niya yung pagpunta sa harapan ko at magsabi ng kung anu-ano. This time, cheer naman ang ginawa niya.

"A.L., A.L., we love you! Riel, Riel, we hate you!"

"Ano ka ba Mandee?!? Hindi mo ba alam kung kailan dapat tumigil? Hindi naman nagpapanggap si Riel alam mo?"

Hinawakan ko si Carlo sa braso niya.

"Hayaan mo na."

"Palibhasa totoo naman!" tapos tinuloy niya uli yung kanta niya. "---we hate you!"

Tanggap na lang ako ng tanggap. Wala na sa akin yang mga yan. Hindi na ako nasasaktan. Habang tumatagal, lalo na akong nagiging manhid.

Dahil paulit-ulit yung kanta ni Mandee, paulit-ulit ko din yung naririnig sa tenga ko. Nakaupo na lang ako doon, nanahimik at walang sinabi.

Nagulat na lang ako nung may narinig ako ng...

"Szarielle Lopez!" hindi ako lumingon.

Familiar yung boses. Parang galit na hindi mo maintindihan. Binuo pa yung pangalan ko.

"Arielle tinatawag kita!"

Nung inulit yung pangalan ko at Arielle na ang tawag sa akin, saka ko lang nakuhang lumingon. At hindi ko inaasahan kung sino ang huminto sa harapan ko. Kaya ayun, napatayo na lang ako ng de-oras.

"Arielle Lopez! What do you think you are doing?!?" napaka-lakas ng boses niya at marami nang nakatingin.

"Dad.. just calm down." pinipilit ko siyang hinaan yung Daddy niya.

Naka-tux pa siya nun at halata mong galing pa siya sa work niya. Ano namang ginagawa niya dito?

"Ano pong ginagawa niyo dito?" tinanong ko siya dahil nakuha na niya yung attention ng lahat.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan?" sabi niya na parang galit pa, "Detentions? Referrals?" alam na niya? "At ano pa itong nalalaman ko na nag part time ka daw sa isang shop?"

"Dad just let me explain okay?!?" bakit kailangan pa niyang i-aanounce sa lahat?!?

"No young lady! You are going to listen to me!" nakakahiya na talaga yun, "Ang usapan natin ay papasok ka dito sa school pero wala sa usapan natin ang mga pinaggagagawa mo! And what is that filthy bed you're trying to sleep at doon sa boarding house?!"

"That filthy bed is the best bed I've ever slept on my entire life!" hindi ko na napigilan yung sarili ko, "Dad kung anong nangyayari sa akin dito ginusto ko yun! Dahil tao lang ako Dad! I'm a teenager! I'm not an adult yet! Gusto ko masubukan yung mga bagay-bagay sa mundo hindi lang limited kung anong gusto mo!"

Napatingin ako kay Mandee nun sa gilid. Si Carlo rin eh hindi na makapagsalita at halata mong nagulat din siya.

"You're grounded." sabi niya sa akin na medyo mahina, "And we're cutting off A.L.'s fund."

"I don't care Dad! I DON'T CARE! Lagi namang ikaw ang nasusunod! Do what you want!"

Hindi ako umiyak nun. Talagang nagmatigas ako. Magtinginan silang lahat, wala akong pakialam.

May isang teacher naman doon na lumabas sa classroom at nakikinig din sa amin.

Nakialam naman yung teacher sa usapan.

"Uhmm excuse me lang po sir.." sabi nung teacher, "Tinutukoy niyo po ba eh si Mandee? Si A.L.?" tapos tinuro niya si Mandee.

Namumutla na si Mandee nun. Napaatras naman siya at hindi na makapagsalita.

Yung Daddy ko eh parang napuno na.

"What are you talking about?!?" humarap siya kay Mandee tapos sa akin, "My daughter, Szarielle Lopez.." hinawakan niya ako, "Is no other than A.L." oh GOD!

"DAD STOP!"

"A.L. stands for Arielle Lopez." hinigpitan niya yung hawak niya sa akin.

"DAD STOP! I SAID STOP!!"

"And who do you think you are?" tumingin siya kay Mandee. "Ikaw pala yung bali-balita na sinasabi nilang nagpapanggap na anak ko? Alam mo ba kung anong pinaggagagawa mo?"

"DAD ANO BA! MAKINIG KA NAMAN SA AKIN!"

Halata mong gulat na gulat yung iba at lahat eh nagtinginan kay Mandee. Nagsimula na siyang umiyak nun tapos tumakbo. I felt bad for her. But then I realized, deserve naman niyang makuha yung nangyari sa kanya.

As for my Dad, he couldn't care less. Basta ang ginawa niya, hinila na niya ako at pinilit niya akong isama sa kanya hanggang doon sa kotse.

"You are not going back to that school you hear me?!?" sinesermonan niya ako habang naglalakad kami. "I talked to Kay. Pinagsabihan ko siya na hindi niya ginawa yung binilin ko sa kanya."

"Dad

1 ... 27 28 29 30 31 32 33 34 35 ... 39
Go to page:

Free e-book «25th Hour - Micah Fruto (good short books txt) 📗» - read online now

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment