bookssland.com » Fairy Tale » One Hundred Days With You - Micah Fruto (primary phonics .TXT) 📗

Book online «One Hundred Days With You - Micah Fruto (primary phonics .TXT) 📗». Author Micah Fruto



1 2 3 4 5 6 7 8 9
Go to page:
Seth, ayun, tahimik pa rin habang kumakain ng pancit canton. Andito kasi kami ngayon sa

bahay. Magsesleepover sila.

 

Mamaya-maya lang, nagsihigaan na kaming lahat. Ang bilis lang makatulog ng mga to. Palibhasa mga laging puyat.

 

Bago ako matulog, kinuha ko sa drawer yung picture naming barkada kasama si Barbie. Naging parte na rin kasi sya

ng tropa namin simula nung matapunan sya ng Milo ni JC nung third year kami.

 

Magkakapatid ang turingan naming lahat noon, hanggang sa tuluyan na nga akong nahulog kay Barbie.

 

Mas lalo ko pa syang minahal noong inalagaan nya ako nung mga panahong madilim ang lahat para sakin. Literally

na madilim talaga. Minsan nang nabulag mata ko. Third year high school kami noon, napasali ako sa away. Ilang

buwan din akong nacomatose dahil sa away na yun. At katulad ng sabi ko, nabulag ako. Pero meron daw nagdonate

ng mata para sakin. Hindi na namin nakilala kung sino yung taong yun. Salamat nalang sa isang nilalang na katulad

nya.

 

Tinititigan ko lang ang picture ng tropa at napabuntong hininga.

 

 

 

"Kelan kaya tayo babalik sa dati, Barbie? Kelan ka kaya babalik samin?" nakakaramdam na naman ako ng

lungkot kaya naman tinago ko na ang picture at ipinikit ko na ang mata ko.

 

( KINABUKASAN )

 

So ngayon na magsisimula ang pang-aakit ko kay Kath. Haha. Joke lang. Pero kailangang mainlove sya sakin, okay?

 

Humiwalay muna ako sa barkada para hanapin si Kath.

 

Lakad dito, lakad doon.

 

Napadaan ako sa music room at may narinig akong anghel. Okay, OA lang. Haha. Pero ang ganda talaga ng boses

 

Dahan dahan akong lumapit doon sa room na yun at nakinig lang dun sa babae.

 

Mayroong akong nais malaman

Maaari bang magtaong?

Alam mo bang matagal na kitang iniibig?

Matagal na 'kong nahihintay

 

 

 

 

Ngunit mayroong kang ibang minamahal

Kung kaya't akoy 'di mo pinapansin

Ngunit ganun pa man, nais ko lang malaman mo

Ang puso kong ito'y para lang sayo.

 

Nandito ako umiibig sa iyo

Kahit na nagdurugo and puso

Kung sakaling iwanan ka niya

Huwag kang magalala

May nagmamahal sa iyo

Nandito ako

 

Hindi ko alam, nakapasok na pala ako sa room, kaya naman bigla syang napatigil sa pagtugtog. Si Kath pala yung

tumutugtog. Pagkataon nga naman oh.

 

"D-daniel?! Kanina ka pa ba dyan?" sabi nya.

 

"Medyo." sabi ko habang nakangiti ng abot tenga. "Bakit ka tumigil? Ang ganda kaya."

 

"E nakakahiya. Hehe." sabi nya ng nakatungo.

 

 

 

"Sus. Ang ganda nga diba... Kasing ganda mo. Kung gano kaanghel ang mukha mo, ganun din kaanghel ang

boses mo. Baka naman anghel ka talaga? Haha" biro ko sa kanya.

 

"Hahaha. Joker ka, Daniel!" yan nalang ang nasagot nya sakin. Binalot kami ng katahimikan kaya nagsalita na

ako.

 

"Uhm. Kath... Wag ka sanang magagalit sa itatanong ko ha... May boyfriend ka na ba? " please, sana wala.

Please.

 

"Anong klaseng tanong yan? Haha. Wala akong boyfriend. . . . pero. . . . may mahal na ako." at parang

nalaglag naman ang puso ko dun. Don't get me wrong ha. Hindi ako nahurt. Wala naman akong feelings kay Kath e.

Disappointed lang ako na may karibal pala ako sa kanya. PANO NA ANG OPERATION MANIKA NAMIN?? Hindi ako

magpapatalo sa kung sino mang lalaking mahal ni Kath. She has to be mine.

 

"Ganun ba.... mahal ka ba nya?" tanong ko.

 

Nagsmile si Kath. A bitter smile. "No. May mahal syang iba..." Ouch. Ang sakit lang nun. Pag nalaman ko sigurong

may mahal na iba si Barbie, baka magpakamatay na ko. Haha. Joke. Pero madedepress talaga ako.

 

"Para sa kanya ba yung kanta mo kanina?" Nandito Ako kasi yung kinakanta ni Kath kanina. Ang kanta ng mga

sawi.

 

"Malamang! Hahaha. Alangan namang sayo!" sabi ni Kath habang tumatawa.

 

 

 

"Tss. Wag ka nga tumawa. Alam ko namang nasasaktan ka e." Niyakap ko sya. Hindi ko alam kung bakit. Bigla

nalang gumalaw ang kamay ko e. Pero pinanindigan ko na rin.

 

"D-daniel..."

 

"Sshh. Let's stay like this for a while. Naranasan ko na ring masaktan, Kath. Alam kong sobrang hirap ng

pinagdadaanan mo. Alam ko kung gano kasakit ang magmahal ng isang taong hindi ka gusto....."

 

"Are you okay?" tanong nya sakin, at kumalas ako sa yakap.

 

"I am.... now." sinabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya.

 

Umiwas sya ng tingin. Nailang siguro. Pero hinawakan ko ang mukha nya at iniharap sakin.

 

"I like you Kath. Nalove at first sight yata ako sayo e." sabay hawak ng batok. "So if you'll give me a chance, I

promise you.. hindi kita sasaktan. Let's just try. Hayaan mo muna ang puso mong magmahal ng iba. Please,

Kath?" sabi ko, still looking at her eyes. Ang ganda pala ng mata nya. Para talaga syang anghel.

 

"Sana nga pag minahal kita, magagawa kong makalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero alam

kong hindi. Alam kong hindi kasi----LKAJSHDFKJAHSKDJFHAKSJDFKAJSHF"

 

Ugh. Ano bayan ang ingay naman! Bigla kasing dumaan yung mga naghihiyawang mga estudyante. Hindi ko tuloy

narinig ang sinabi ni Kath.

 

"Anong sabi mo Kath? Alam mong hindi kasi?" tanong ko.

 

 

 

"Ah. Wala. Haha. Nevermind. Tara na!" Paalis na sana pero nahawakan ko agad ang kamay nya. Napalingon sya

sakin.

 

"I'm not going anywhere until you accept my offer. Let me love you Kath, and let yourself love me

too..." Okay, ako na makapal. But I have to do this. For my happiness. For our happiness.

 

Nung sinabi ko yun, nakaramdam ako ng guilt na magagawa kong saktan si Kath na isang anghel sa paningin ko.

Ganto na ba ko kasama para paluhain ang isang babaeng kagaya niya?

 

Siguro oo. Kasi pagdating sa pag-ibig lahat tayo nagiging makasarili.

 

"Kath..." hindi pa rin sya nagsasalita

 

Mamaya maya lang nakita kong bumagsak ang luha sa mga mata nya. Nagpanic ako kaya niyakap ko sya agad.

 

"Why are you crying? I'm here Kath. I'll always be by your side kahit anong mangyari. Don't cry."

 

She hugged me back and said

 

"I hope so, Daniel. I hope you'll always be by my side.... No matter what."

 

Part 5

DANIEL'S POV

 

Kasama ko ngayon ang tropa. Dito na naman kasi sila magoovernight e.

 

"So, pare! Ano nang update sa inyo ni Kath? Kayo na? Hahaha." tanong ni Kats.

 

"Not yet. Syempre, liligawan ko muna diba? Teka, kelan nga pala magsisimula ang pagbibilang ng 100

days?" tanong ko.

 

"Magsisimula sya, pag nagsimula ka nang manligaw. So, ibig sabihin, hundred days with her will officially

start tomorrow. Okay?" sagot ni Lester.

 

"Okay. Tulog na tayo. Kailangan gwapo ako bukas para mainlove agad sya sakin." sabi ko.

 

"Goodnight mga bro! Goodluck sayo Kuya!" sabi ni JC

 

"GOODNIGHT!" sabi ni Kats at Lester.

 

Si Seth? Ayun. Tulog na. Mukhang ayaw talaga nya ng planong to e kaya pag napapag-usapan to, hindi sya

nakikisali.

 

Tumulog na rin ako. Kailangan kong maghanda para bukas.

 

 

 

(The Next Day )

 

Wednesday, January 11, 2012 -Day 01 of 100

 

So this is it. Simula na ng countdown.

 

Dismissal time ngayon at kasalukuyan ko na namang hinahanap si Kath. May hinanda kasi akong something para sa

kanya. Nagpunta ako sa music room baka sakaling nandun sya. Pero wala e. Pabalik na sana ako ng canteen nang

bigla ko syang nakita... kasama si Barbie. Close sila?!

 

Okay Daniel. Inhale exhale. Kaya mo yan. Eto na, lalapitan ko na si Kath.

 

BARBIE'S POV

 

Sabi ko naman sa inyo e, magiging great friends kami ni Kath. Madalas na kaming magkasama ngayon. Feeling ko

nga, we're sisters e. Hahaha.

 

Dismissal time ngayon and sabay kami ni Kath uuwi. Papalabas na sana kami ng gate ng biglang may tumawag kay

Kath.

 

"Kath!" si Daniel. Tumatakbo sya papunta samin.

 

"Uy. Hello Daniel! Bakit?" tanong ni Kath.

 

 

 

"Uhh. Gusto sana kitang sabayan pauwi? Kaso mukhang may kasama ka na yata?" sabi ni Daniel sabay tingin

sakin. "Hello nga pala, Barbie." sabi nya with a cold voice.

 

"Hello din." sabi ko at umiwas ng tingin. Naiilang ako e.

 

"Ah. Oo, Daniel e. Kasama ko na sina Barbie. Next time nalang ah?" sabi ni Kath.

 

"Ah ganun ba?" sabi ni Daniel sabay tungo. Mukhang nalungkot talaga sya. Kaibigan ko pa rin si Daniel. Hindi ko

man sya minahal ng higit dun, mahal ko pa rin sya bilang kapatid. Kaya naman ayoko nang makita syang malungkot.

 

"No Kath. It's okay. Kasama ko pa naman sina Kiray e. Sige na, sama ka na kay Daniel." sabi ko kay Kath.

Napaangat ang ulo ni Daniel at napatingin sakin. Akala ko magiging masaya sya pero nakakita ako ng

disappointment sa mukha nya. Bakit naman kaya?

 

"Talaga Barbie? Sure ka ha? Sige. Sabay tayo umuwi bukas ah! See you tomorrow! tara na Daniel!" sabi ni

Kath at sabay higit kay Daniel papalayo. Naglalakad na sila ng biglang lumingon pabalik si Daniel. Nakatingin sya

sakin. Those eyes... Kilala ko ang matang yun. Nasasaktan sya. Pero bakit? Diba kasama na nya si Kath?

 

DANIEL'S POV

 

Niyaya ko si Kath para umuwi kahit alam kong kasama na nya si Barbie. Medyo umarte lang ako na parang

nalulungkot pero expected ko naman talagang d sya makakasama sakin. Ang ikinagulat ko lang ay nung nagsalita si

Barbie.

 

 

 

"No Kath. It's okay. Kasama ko pa naman sina Kiray e. Sige na, sama ka na kay Daniel." sabi ni Barbie.

Napatingin ako sa kanya ng gulat na gulat. Nasaktan ako kasi parang ang dali lang para sa kanya ipamigay ako sa

iba.

 

"Talaga Barbie? Sure ka ha? Sige. Sabay tayo umuwi bukas ah! See you tomorrow! tara na Daniel!" sabi ni

Kath at hinila na ko papalayo. Habang naglalakad kami, lumingon ako pabalik kung nasan si Barbie. Tiningnan ko

sya sa mata at alam kong alam nya ang ibig sabihin ng tingin na yun.

 

"Daniel! Okay ka lang?" tanong ni Kath.

 

"H-ha? Ah! Oo naman! Haha. Tara na."

 

Nagpunta kami ngayon sa special room dito sa school. Tropa lang namin ang nakakaalam nito. Yung official band

lang kasi yung binibigyan ng special privelege. Yung special room nga pala namin, nasa pinakataas na part ng

school. I mean, kung 15 floors ang school namin, nasa 16th floor to then para makapunta sa rooftop, dito ka rin

dadaan.

 

Pagpasok namin dun sa special room, halatang natigilan si Kath.

 

Pano ba naman, todo effort lang naman ako... Okay fine. Kami ng tropa ang nag-ayos nito.

 

Hinawakan ko ang kamay ni Kath at hinila sya papunta dun sa table na katabi ng bintana.

 

"Wowwwwwww. Daniel. Anong meron?" sabi ni Kath na manghang mangha sa view.

 

 

 

"I just want to spend time with you." sabi ko and I gave her my sweetest smile. Nagblush sya. Haha.

 

"A-ahh. Haha." sabi nya ng nakatungo.

 

"Ang cute mo lalo pag nagbablush ka." sabi ko. Totoo naman e. Haha.

 

"Weh! Haha. Thank you."

 

Nagsimula na kaming kumain. Mamaya-maya lang, I broke the silence.

 

"Kath... I'm serious with what I told you yesterday. Gusto talaga kita. Please give me a chance na mahalin ka

kahit may mahal ka nang iba. Let me help you get over him." sabi ko at napatingin naman sya sakin.

 

"D-daniel.. I..."

 

I stood up at lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa harap nya.

 

"DANIEL! Stand up!"

 

"No Kath. Not until you say yes."

 

 

 

"B-but Daniel..."

 

"Isang tanong, isang sagot Kath. Pwede ba kitang ligawan?" Sinabi ko yan habang nakatingin sa mata nya.

 

"Yes..."

 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. I can't believe this! Napatayo ako sa pagkakaluhod ko at niyakap sya.

 

"Thank you Kath! Thank you!"

 

Deep inside, nagpapasalamat naman talaga ako kay Kath. Pero hindi dahil binigyan nya ko ng chance to be with her.

Pero dahil binigyan nya ko ng chance para pabalikin si Barbie sakin.

 

"Over ka naman Daniel e. Pinayagan palang kita manligaw. Hindi pa kita sinasagot. Haha. Bumalik ka na nga

dun sa upuan mo." sabi nya sakin.

 

"Sorry, haha. Ang saya ko lang kasi e. Pero Kath. Nacucurious kasi ako e. Pwede pa magkwento ka tungkol

dun sa guy na mahal mo pero hindi ka mahal? Grabe. Ganun ba sya kabulag para hindi ka mahalin

pabalik?" sabi ko sa kanya. Medyo nawala ang ngiti nya nung nabanggit ko yung lalaki.

 

 

 

"Ayaw ko mang pag-usapan sya, pero dahil gusto mong malaman, sige. Sasabihin ko sayo. Second year high

school nung makilala ko sya. Kakatransfer ko lang din kasi sa school noon. Una ko palang sya makita,

minahal ko na sya. Ewan ko ba. Hahaha. Pero

1 2 3 4 5 6 7 8 9
Go to page:

Free e-book «One Hundred Days With You - Micah Fruto (primary phonics .TXT) 📗» - read online now

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment