bookssland.com » Romance » Only One - Crimson Skye (book series for 10 year olds txt) 📗

Book online «Only One - Crimson Skye (book series for 10 year olds txt) 📗». Author Crimson Skye



1 2 3
Go to page:
na tayo sa istorya at tama na muna ang litanya. Sinubukan kung aminin ang nararamdaman ko kay Justin. Noon ko lang nalaman na mahirap pala mainlove sa isang may topak. Not literally. Yong taong mahilig magbiro. Bakit? Kasi halos lahat ay ginagawa nalang niyang biro. Ganito kasi ang nangyari:

Matagal na kaming magkatext ni Rachelle. Oo. Noong una na-attract ako sa ganda nya pero nang nagtagal, nalaman ko na hindi pala sapat ang ganda para manatiling mahal mo ang isang tao. Sabi nga… if you fall inlove with the looks of someone, it was lusts. But if you fall inlove with attitude, it was love. Masasabi kong totoo yan. At some point, you will be tired of someone. It was because you were not inlove with that person. Maaaring admiration o infatuation lang. Yon ang eksaktong naramdaman ko kay Rachelle. Ayoko namang magpaasa ng isang tao kaya sinabi ko na habang maaga pa. Alam kong masakit para sa kanya pero ayoko rin namang lokohin ang sarili ko at saktan siya. It’s better to hurt someone with the truth than to make them smile by just telling a complete lie. Obvious ba na marami akong alam na quotes? Hindi lang simpleng quotes yan. It was a mere fact.

Iba ang nararamdaman ko kay Justin. Kahit na matagal kaming magkatext, hindi ako nagsasawang kulitin siya. Pag hindi ko sya nakikita o nakakareceive ng text galing sa kanya, hindi kompleto ang araw ko. Yong tipong sayang ang unli mo dahil wala ka manlang natanggap na reply galing sa kanya.

Hey. Simpleng text ko sa kanya. Buo na kasi ang pasya ko na aminin sa kanya ang lahat. Ready na akong sumabak sa isang relasyon.

Hello. Reply niya.

May sasabihin ako sayo. Mabilis akong nagreply. Medyo kinakabahan at nagdadalawang isip pa. It was the first time kaya siguro ganun. Aaminin ko, I was afraid to fall. Pero right now, I’m taking the risk.

Ano? Cute ako? Matagal ko nang alam yan. Reply naman niya na nagpangiti akin. O hindi ba may topak siya? Wagas.

Hindi yan. Alam mo na naman pala yan e. Basag ko sa trip nya.

O. E ano? Mura na ang Tide with the power of bleach?

Pambihira. Hindi ako makasingit. Yan ang problema ko. Mahirap humanap ng tamang timing para umamin. Lagi kasing parang out of this world ang drama nya. Kaya nireply ko nang… Hindi rin. Makinig ka muna kasi.

Okay. Tipid na text niya.

I LOVE YOU. Naka-uppercase na pra naman basang-basa nya. Halos tumalon ang puso ko sa kaba habang sinisend ang text na yan. Matagal bago siya nagreply. Inabot na ako ng siyam-siyam sa kahihintay. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Baka hindi mutual ang nararamdaman namin. Baka may boyfriend na siya. Baka talagang ka-baro ko siya. Mga ganoong bagay lang naman.

Maya-maya ay natanggap ko rin ang reply niya. SLR. May ginawa pa kasi ako e. Natameme ako. Nasaan ang totoong reply dito? Ititext ko na sana siya ng pangalawang beses ng may natanggap ulit ako. Haha. Happy April Fool’s Day, Troy! Nagtaka ako. April Fool’s Day daw? Chineck ko ang kalendaryo. Anak ng tokwa! April Fool’s Day nga pala! Bakit ba kasi nauso pa yang April Fool’s Day na yan? Kung kelan naman nagkalakas na ako ng loob na umamin. Kung kelan pa gustong gusto ko nang sabihin yon sa kanya. Nataon pa na April Fool. Napabuntong-hininga ako. Alam ko na ang mangyayari. Kahit na anong sabihin ko, tiyak na hindi siya maniniwala. May sumpa ang araw na yon sa mga taong seryoso. Siguro sa ibang araw ko nalang ulit sasabihin sa kanya. But it’s really killing me!

Buti alam mo. Happy April Fool’s Day rin! HAHAHA Napahiya na ako kaya yan ang nireply ko. Malalaki yong HAHAHA para hindi halata. Kaso sa laki ng mga letrang yan ganoon rin ang nararamdaman kong panghihinayang. Pero hindi ako sumuko. Ito ang sunod na ginawa kong hakbang:

Matagal rin simula ang epic fail confession ko. Eto, handa na naman ang torpeng ako na umamin sa kanya. Bakit ba kasi hindi ko masabi ng personal? Tss. Nag-voice lesson muna ako bago ko siya tinawagan. Oo. Call na para mas ramdam niya ang sincerity ko. Nakailang dial rin ako bago pa nya sinagot.

“Hello,” sagot ni Justin sa kabilang linya.

Matagal bago nakapagsalita. “Hi.” Matagal pero yon lang nasabi ko. Tokwa.

“O? Bakit ka napatawag? Nakapatay ka ba ng ipis?” tanong niya saka tumawa. Lahat nalang ata gagawin nyang biro. Lahat ng mga effort ko.

Ayan at nag-uumpisa na naman siya. Ang hirap hirap humanap ng tyempo sa kanya. Baka kasi mabara nalang ako bigla. “Hindi ako ang nakapatay. Ikaw. Pero hindi ipis.” Ewan ko ba kung bakit yan ang nasabi ko.

“Hah?” Maang niyang tanong. “Anong ako?”

“Oo. Ikaw. Pinatay mo ang puso ko.” Medyo tense pa ako nyan pero nagawa pang bumanat.

Narinig ko ang pagtawa niya. “Puso ba? Baka gusto mo ikaw na mismo ang patayin ko?”

Ayon. Basag! Grabe. Napabuntong-hininga ako. Corny na nga basag pa. “Ha Ha ha.” Sarkastiko ko yang ginawa ang pagtawa na yan. By syllables para mas ramdam.

Lalo lang siyang natawa. “Bumabanat ka na rin a. Nakikiuso?”

“I have to tell you something.” Nanawa na ako sa Tagalog kaya yan English naman.

“What?” Tanong niya. Englisera nga rin pala siya.

“I lo — ..” Napuputol ang sasabihin ko ng mag-beep ang linya. Call ended. Halos mamatay naman ako sa inis. Patayan ba naman ako? Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage at unattended na. Another epic fail ang nangyari. Ang hirap kasi pag torpe. Walang lakas ng loob na magsabi ng personal. Ayan. Kung anu-anong kamalasan tuloy ang nangyayari. Nakatanggap ako ng text mula sa kanya matapos ang ilang oras na kalbaryo. Na-low bat pala kaya hindi ko makontak. Mas magandang rason na yon kesa malaman kong pinatayan ako.

I am indeed hopeless, hindi ba? But if you like someone for real, hindi ka susuko. At hindi ako sumuko. This time, personal ko nang sasabihin. Hindi mag-work ang electronic hah? I’ll make sure na masasabi ko na sa kanya. This is now or never. At minsan ko lang tong gagawin. And here’s what happen:

Ilang araw nalang graduation na namin. Kaya nga do or die na ‘to. Katatapos lang ng practice at hinarang ko na siya para makausap. Nauna ng mag-alisan ang lahat kaya kami nalang ang naiwan sa gymnasium. Kinakabahan na ako ng sobra-sobra. Halos hindi na ako makahinga ng maayos.

“Ano ba yon, pare?” Tanong niya. Ang angas talaga pero alam kong nagbibiro lang siya.

Huminga muna ako ng malalim at umarte na parang cool. “Gusto ko lang batiin ka.” Wag na kayo magtanong kung bakit yan ang sinabi ko. Ayaw ko kasing direct to the point. One step at a time kung baga.

“Ah.” Tumango siya. “Bakit? Birthday ko ba?”

Whew. See? Ang lakas ng topak. Pero kahit ganyan siya. Mahal ko yan. When you love, you should love her wholly. Hindi yong isang part lang ang gusto mo sa kanya. Kaya ayan, tanggap ko na may topak siya. Ngumiti ako saka sinabi kong, “E di in advance.” Tumawa rin sya sa kahibangan niya na sinakyan ko naman. Nagseryoso na ako. “Congratulations.”

“Congratulations to both of us!” Sabi naman niya, pagtatama sa sinabi ko.

Tumango ako tanda ng pagsang-ayon. Naisip kong yon na ang panahon. “A-A…” Nauutal pa ako. This is it. “I love you, Bella.” Bella na tinawag ko. Nakakaasiwa kasi kung Justin. Para akong nagko-confess sa isang lalaki.

Nakita kong nag-blush siya sa sinabi ko. Hindi tuloy makatingin ng diretso. Hindi rin makapag-salita. “Ano? Wala bang reply?” Tanong ko pa.

“Meaning?” Mahina nyang tanong.

Parang timang naman to. Naisip ko. “Kelangan ko pa bang iexplain?” Natatawa kong tanong. Medyo nababawasan na ang kaba ko. Ganoon lang naman pala umamin e. Hindi naman pala nakakamatay kasi humihinga pa ako. “I love you more than a friend.”

Natahimik siya at mukhang nag-iisip. “Parang may kulang…” Seryoso nyang sabi.

“Hah?” Kunot-noo kong tanong. “Anong kulang?”

Tumingin siya sa akin. “Dapat kasi pare, may flowers at chocolates!” Tumango-tango siya. “Pero all in all… papasa ka na! Sasagutin ka na ng liligawan mo! Perfect!” Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko sa pag-aakalang nagpapractice lang ako. “Sige hah? Mauna na ako.”

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya. “Totoo ang sinasabi ko. Sira ka!”

Tumingin siya sa akin ng diretso. “Magkaibigan tayo, Troy. Ayokong may magbago sa atin.” Ngumiti siya at tuluyan ng umalis. Kahit hindi direkta. Alam ko na ang gusto nyang iparating. Magkaibigan lang kami. Kahit na sabihin pa niyang mas pinahahalagahan nya ang pagkakaibigan namin, hindi maiiwasang masaktan ako ng sobra. Kaibigan? E gusto ko nga na maging girlfriend ko siya. Mahirap bang intindihin yon? Oo. Mas magtatagal kung magiging magkaibigan kami cause there’s no break up. Pero naniniwala ako na kahit anong relasyon, basta kaya nyong pangatawanan. Tiyak. Magtatagal rin yan.

Ilang minuto nang nakaalis si Justin. Baka nga nakauwi na ito sa bahay nila. Ako naman, naiwang bokya. Rejected. Para akong sinampal ng maraming beses. Hindi physically hurt pero emotionally. Ang magtapat? Madali lang. Ang malaman ang sagot lalo na kung yong hindi mo gusto ang mahirap. Mahirap dahil ramdam mo ang sakit. Tagos hanggang ribs ko kaya umabot sa puso. Whew. Yon palang ang una kong pagka-BH. Broken hearted for long. BH for short. Ganoon pala ang pakiramdam ni Rachelle at nang iba pang tinanggihan ko. Now, I know the feeling. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko e. Ang magmahal ng maling tao. Ang magmahal ng taong hindi naman kaparehas ng nararamdaman ko. Pero wala na akong magagawa. What’s been said had been said.

Iniwasan ko na siya simula noon. Bitter ako e. First heartbreak. Mahirap mag-move on lalo na at nakikita ko siya tuwing graduation practice namin. Pero tiniis ko yon hanggang sa maka-graduate kami. Nahihirapan rin akong hindi siya kausapin. Nahihirapan akong iwasan siya pero ako naman ang masasaktan. Bukod pa doon, I’m also preserving my very own pride.

Isang hindi inaasahang bagay naman ang nangyari sa buhay ko. Bigla nalang umuwi ang kuya ko, isang araw matapos ang graduation namin at inalok akong sumama sa kanya papuntang States. Nagdadalawang isip ako noong una pero naiisip kong wala na naman akong dapat pang panghawakan o relasyon na dapat ingatan. Busted nga e. Naisip kong magpaalam kay Justin bago ako umalis. Problema lang gumana na naman ang pagiging bitter ko pati ang pride ko. Nag-collide ang dalawa at nabuo ang galit. Umalis nalang ako ng walang paalam. Wala rin ni isang nakakaalam sa mga kaibigan namin. Ilang buwan na akong nasa US bago pa nila nalaman.

Nang mga panahong nandoon ako, aaminin kong unti-unti ko nang nakalimutan si Justin — ang first love ko at ang unang nang-busted sa akin. First cut is the deepest pero pasalamat ako at nakamove-on na rin ako. Nagkaroon ako ng American girlfriend. Masaya ako sa kanya. Magkaiba sila ng ugali. Magkaiba sa lahat ng bagay. Seryoso kumpara sa isa na may topak. Mas matured kumpara sa childish. Mas girly kesa sa boyish at siga. Hanggang sa malaman ko nalang sa huli na hinahanap ko na pala lahat ng mga katangian ng first love ko sa girlfriend ko. She grew bored with me and we broke up. Nag-break kami pero hindi ganoon kasakit sa naramdaman ko sa isang tao na hindi ko naman naging girlfriend. Marami pang sumunod pero paulit-ulit lang ang nangyari. I ended up alone. Doon ko naisip na baka hindi pa ito ang tamang panahon para magmahal ulit.

Nakuha ko na ang mga pangarap ko sa buhay. Own house? Check. Own car? Check. Financial stability? Check. Work? I had my own business. Family business na sa akin na ipinagkatiwala. Happiness? No. Hindi ako masaya. Dahil may kulang pa. Naisipan kong bumalik ng bansa. Naisipan kong hanapin ang taong nag-iwan ng isang sugat na hindi pa gumagaling. Nangangamba lang ako na baka wala na akong balikan. Parang yong kantang 25 Minutes ng West Life. 25 minutes lang ang nawala at huli na ang lahat.

Still, I went back. I searched for her as soon as I arrived. Siya ang una kong hinanap. Hindi na ako natatakot. Marami na akong pinagdaanan and I grew up as a better person now. Ngayon na may maipagmamalaki na ako. Ngayon na may pinanghahawakan na

1 2 3
Go to page:

Free e-book «Only One - Crimson Skye (book series for 10 year olds txt) 📗» - read online now

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment