Only One - Crimson Skye (book series for 10 year olds txt) 📗
- Author: Crimson Skye
Book online «Only One - Crimson Skye (book series for 10 year olds txt) 📗». Author Crimson Skye
Nagulat siya ng makita ako sa opisina niya. Mukhang natatandaan pa niya ang lalaking binusted niya ilang taon na. May ilang bagay na nabago sa kanya at isang bagay lang ang sigurado ko. Lalo siyang gumanda. A woman with essence. Nagtataka lang ako kung bakit kinakabahan pa rin ako ng mga panahong yon. Ganoon siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. The feelings and the memories returned the moment you saw each other again.
“Ikaw na ba yan, Troy?!” Gulat pa niyang sabi. “Akalain mo nga naman.”
Ngumiti lang ako. “It’s still me. Kamusta ka na?”
“Wag nga tayo dito mag-usap.”
Niyaya niya ako sa isang mamahaling resto where we could talk privately. Napag-usapan na namin lahat maliban ang tungkol sa aming dalawa. I was about to open up a specific conversation nang mapansin ko ang suot nyang sing-sing. Hindi ako makapag-react. Mukhang broken hearted na ako for all eternity. Wala. Kasal na siya. Ito na naman ang kinatatakutan ko. Nangyari na nga. Napabuntong-hininga ako at pinili nang mag-paalam para umalis. Biglaan pero hindi ko na kaya pang makipag-usap. The pain was just pricking me to the bottom. Parang Nestea. Bottom’s up. Hindi nga lang saya kundi sakit. Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko para sabihan ng sama ng loob ng sumunod na araw.
“Kailan ka pa dumating, Troy?” tanong ng kaibigan ko.
“Kahapon lang.” Matamlay kong sagot kasunod ang isang malalim na buntong-hininga.
“May problema ba?”
“Malaki.”
“Anong malaki?”
“Kailan pa ba sinakal si Justin? Kinasal… rather.” Diretsahan ko nang tanong na may halo na ring humor.
“Anong kinasal?” Maang naman na tanong niya. Mukhang hindi rin ata alam na ikinasal na ito.
“Hindi mo rin ba alam?”
Agad naman itong natawa. I frowned. “Pre, sa pagkakaalam ko… engage palang si Justin.”
Waring nabuhayan ako ng loob sa nalaman ko. Kung ganoon hindi pala wedding ring ang suot nito kundi engagement ring palang. There was still a chance. “Engage palang siya?” Ulit ko pa para sigurado.
“Oo.”
“So, kelan ang kasal?”
“Ah. Just about 30 minutes more.”
“Ano?! Saan??” Hindi na ako magkamayaw sa pagtatanong. Napabangon na rin ako sa higaan sa narinig kong impormasyon. Tiningnan ko ang relo. 6:30 AM.
“Hindi ka ba sinabihan?” Tanong pa nito.
“Sagutin mo nalang pare!” Inis kong sabi.
“St. Martins — …” Hindi ko na siya pinatapos magsalita at nagmamadali nang nagpalit ng damit. Walang oras na dapat masayang.
Para akong bibitayin sa mga oras na lumilipas. Bawat minuto ay halos katumbas ng isang taon ng aking buhay. Panay ang tingin ko sa relo habang mabilis na minamaneho ang sasakyan papunta sa simbahan. Minalas pa at inabutan ng red light. Five minutes nalang at medyo malayo-layo pa ang lugar. Ramdam ko ang pagtulo ng malalamig na pawis sa gilid ng mukha ko pati sa likod. Para ring tinatambol ang puso ko sa kabang aking nararamdaman. Paanong hindi? I am about to lose someone important to me. Yong tao na binalikan ko at pinag-aksayahan ng panahon, ilang sandali lang ay maagaw na ng iba. Hindi ako makapapayag. Nothing is over until it’s over.
Humihingal kong tinakbo ang simbahan. Ni hindi ko na nai-park ng maayos ang sasakyan at dali-daling nagtungo sa pinagdadausan ng kasal kasama ang panalangin na sana ay hindi pa huli ang lahat. Mabuti na lamang at nagtatanong pa ang pari ng:
“Who among you are not in preference of this marriage?”
“I am!” I announced at the top of my voice, cacthing for breathe. Naghalo na ang kaba at pag-aalinlangan. Lahat ng tao ay napatingin sa estrangherong nagpapatigil ng isang sagradong kasal — ako. Lumapit pa ako sa ikinakasal at maging ang mga ito rin ay gulat na gulat lalong-lalo na si Justin. “I am definitely… absolutely against of this marriage.” Ulit ko pa ng marinig ng lahat. Wala na akong pakialam kung ano pa ang sasabihin ng iba. Ang importante alam ko na ipinaglaban ko sya hanggang sa abot ng aking makakaya. Wala akong pakialam kung ipapulis pa nila ako o ano. Magharap nalang sa presinto.
Namayani ang katahimikan. Maging ang mga kaibigan namin ay halatang gulat na gulat. Nabigla ang lahat sa grand entrance ko. Everyone. Dare to name it! Nakatitig sa akin si Justin at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha. “You came…” Umiiyak na sabi niya.
“I came because you’re in the place where you shouldn’t be,” seryosong wika ko.
Ngumiti siya at humarap sa lalaking nakatakda sana niyang pakasalan. “I’m sorry.” Pagkasabi noon ay tumakbo na siya para yakapin ako.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. She chose me. Yes. She does. Napangiti ako at agad na hinawakan ang kamay niya para umalis sa lugar na yon. I was so dead happy. Ang 25 Minutes ng Michael Learns to Rock ay nauwi sa Runaway ng The Corrs. It might sound insane but it did happen.
“Thank you for saving me.” Umiiyak na sabi niya sa akin habang magkahawak ang mga kamay namin habang tumatakbo palabas ng simbahan.
I just smile and hurriedly open the door of my car. Masyado akong masaya at hindi ko alam kung paano ko ipapakita ang sayang nadarama ko. Nang makalayo na kami ay inihinto ko ang sasakyan sa isang napaka-mataong lugar na kanya namang ikinagulat. Lahat ay nagtinginan sa amin pero gaya nga ng sinabi ko wala akong pakialam sa iba, siya lang ang mahalaga sa akin sa mga oras na yon and even the time beyond. Inalalayan ko siya palabas ng sasakyan. Napapalibutan na kami ng napakaraming tao. Bakas sa mukha niya ang kaba at pagtataka sa takbo ng mga pangyayari.
“Anong ginagawa natin dito?” Maang na tanong niya sa akin.
Ngumiti ako at lumuhod sa harapan niya. It’s now or never again. I was proposing of course. Kinuha ko ang sing-sing na naging pendant na ng suot kong kwintas. Matagal ko nang pinaghahandaan ang bagay na yon. At sa wakas ay natupad na.
“Isabella Justin McGyver, will you be my wife?”
Sunod-sunod ang panunudyo ng mga taong nakapalibot sa amin. Karamihan ay kinikilig at natutuwa. Noon lang siguro sila nakakita ng mala-teleseryeng out-of-the-blue proposal. Bakas sa mukha ni Justin ang pagkabigla. Umiiyak na naman ito.
Napabuntong-hininga ako. “You should be happy. Hindi ganyan.”
Napangiti siya. “I am. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.” Bahagya niyang pinakalma ang sarili saka sinabi ang bagay na matagal ko ng pangarap. Ang bagay na gusto kong marinig mula sa kanya. “I will. I am willing to be your wife.”
Hindi na ako nag-atubiling isuot sa kanya ang sing-sing na matagal ko ng iniingatan. Siya na rin mismo ang nagtanggal ng wedding ring na suot niya at itinapon ito. Ang makita siyang suot ang sing-sing na sa akin nanggaling ang isang bagay na lubos na nakapagpasaya sa akin. It healed all the pain that I had gone through all those years. Wonderful things did happen when you least expect it. 25 Minutes to Runaway and now I can hear the song… Grow Old With You. What’s more wonderful than that? Masaya akong malaman na may karapatan na ako sa kanya mula ngayon — my ONLY ONE. Kaya sa iyo na nagbasa nito, never be bother. True love waits… endures and happen at the right moment with the rightful person. Better be ready. Yours are about to come. God was just preparing the best love story ever written… just for you.
TO GOD BE THE GLORY
“LOVE NEVER GIVES UP… AND ITS FAITH, HOPE AND PATIENCE NEVER FAIL.”
1 CORINTHIANS 13:7
Publication Date: 04-12-2014
All Rights Reserved
Dedication:
To all my Wattpad readers and followers, with love.
Comments (0)