bookssland.com » Romance » 25th Hour - Micah Fruto (good short books txt) 📗

Book online «25th Hour - Micah Fruto (good short books txt) 📗». Author Micah Fruto



1 ... 7 8 9 10 11 12 13 14 15 ... 39
Go to page:
mo sa step number 1."

Nag-isip naman siya nun tapos ngumiti sa akin.

"Ok, may naisip na ko. Later."

"Jasper!" lumingon siya, "Siguraduhin mong maayos yan ha!!"

Kinabahan talaga ako sa kanya nun. Baka naman kung anong idea niya ng pagpapapansin ha. Nung nag-alarm naman na, tumayo na ako sa upuan sa likuran at lumipat lang ako sa kabilang row.

Nagsi-upuan na rin yung mga classmate namin. Medyo late lang ng kaunti yung teacher namin ng first period kaya ok lang nung na-late si Jasper dahil lumabas siya.

Umupo naman si Kay sa tabi ko nun. Dati kasi si Ronnie doon eh. Ok naman si Ronnie at siya naman yung naupo sa upuan ni Kay.

Nag-klase naman na kami. Hindi nga ako nakapag-concentrate kasi panay ang sipa ni Jasper ng upuan ko. Hindi ko nga pinapansin nung simula pero hanggang second period, sipa pa rin siya ng sipa.

"WHAT?!?" napalakas yung pagkakasabi ko kaya nagtinginan sa amin.

"May itatanong ako hindi ka lumilingon."

"O-K. Lumingon na ako. Now what?!?"

"Pwede bang manghiram ng white-out?" ngumiti siya ng nakakaloko.

"Bwisit ka!"

Tumawa lang si Kay nun. Laking tuwa ko nga talaga nung nag-alarm na para sa breaktime. Hindi naman ako nagugutom nun kaya ssi Kay lang ang umalis papuntang cafeteria.

Nag-stay ako sa labas ng classroom dahil sobrang init doon sa loob. Dumaan naman si Jasper kasama na naman si Carlo. Inirapan ko nga.

"Ang taray mo naman."

"Kailangan ba mabait ako sa iyo?"

Tinulak naman ni Carlo si Jasper.

"Talo ka bro, binabara ka lang."

"Tatanungin sana kita tungkol doon sa balak ko kanina. Hindi ka naman lumilingon. Palusot ko lang yung white out kasi nakatingin si Kay."

"Ok, nakatingin na uli ako sa iyo. Ngayon?"

"Ang sungit mo uli." tapos ngumiti siya, "Ganito yung naisip ko para mapansin niya ako. Kunwari papaupuin ko siya sa teachers table pero yung upuan na nilagay ko eh yung sira na tatlo lang yung paa. Kaya matutumba siya. Tatawa kami."

"Anong sabi mo?!?" nagulat naman ako sa kanya, "Kapag natumba siya, patalikod yun. Baka mabagok siya. Tatawa ka? Mapapahiya siya. In the end, alam mo kung saan ang tuloy natin? Hindi magandang idea yun. Hindi ka ba matino?"

Naglalakad naman yung second period teacher namin.

"Ewan ko sa 'yo. Sabi mo magpapansin. Nung nakaisip ako ng idea, ayaw mo naman."

"Hindi ka pa ba nanligaw before?"

Tumawa ng malakas si Carlo.

"Shut up Carlo baka bukas lang disabled ka na."

Natawa namana ko nun. Ibig sabihin wala pa siyang experience. Kaya pala siya walang kwenta magpapansin.

"Ikaw rin huwag kang tumawa." tapos tumingin siya sa rubber shoes niya, "If I know hindi mo alam ang salitang 'date'."

Nawala yung ngiti ko nun. Masyado namang tagos yun.

"Excuse me! Huwag ka ngang nagsasalita as if kilala mo ko dahil hindi mo ko kilala!"

"Sinabi ko bang kilala kita? Nagsabi lang ako nung unang pumasok sa utak ko.." tapos nang-aasar na yung tingin niya, "Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakikipag-date?"

"Feeling mo naman expert ka eh sa ating dalawa ikaw nga itong nangangailangan ng tulong ko!"

"Hey guys.."

"Umoo ka kaya ibig sabihin nun pumayag ka!"

"Pinaoo mo ko kahit hindi ko alam. Kung alam ko lang na may kinalaman pala sa pinsan ko, hindi ko na ginawa!"

"Hey guys..."

"Buti nga nagbibigay pa ako ng sarili kong idea!"

"Eh wala ngang sense yung idea mo! Magpapapansin ka na lang din, yung upuan pa na matutumba yung uupo?!? How lame is that?" bigla kong tinakpan yung bibig ko sa huling sinabi ko.

"Guys.."

Kanina pa tumatawag si Carlo sa amin kaya tumingin kami sa kanya.

"Ano ba?" nagsabay pa kami.

"Si Mam Amy pumasok sa loob, at mukhang uupo siya doon sa upuan na nilagay mo..." nag-panic kami ni Jasper.

"Ano?!?"

"Bakit 'di mo sinabi kaagad?!?"

"Kanina ko pa kayo tinatawag.."

Tumakbo kami doon sa tapat ng pintuan. Dahil nga may hinahanap yata yung teacher namin na naiwan niya, nandun lang yun upuan.

"Mam Amy.. huwag po kayong uupo!!!"

"Oo nga po! Huwag po sa upuan na iyan. Special po kayo eh. Dapat sa golden chair."

"Ano ba kayong dalawa.. para uupo lang--" tapos bigla siyang umupo.

Katulad nga nung inaasahan, bumagsak siya doon sa silya. Tumingin ako kay Jasper at nagsimula na siyang tumakbo.

"KAYONG DALAWA!!!"

"Wala po akong kinalaman diyan, si Jasper po!"

"Ako? Bakit ako na naman?!?"

"Go!"

"Where?"

"Miss Lopez... saan pa? Kung hindi kayo makuha sa Detention dapat siguro pumunta kayo sa Principal's office."

"Principal's OFFICE???"

Galit na galit yung teacher namin sa amin.

"At ang pinakamaganda sa lahat.." tumayo siya at hinawakan niya yung likod niya, "Tatawagan ko parents niyo."

Nakangiti lang si Jasper.

"Ok lang. Wala naman na parents ko. Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa. Halelujah!"

"We'll call your uncle Mr. Morales.." tumingin sya sa akin, "As for you Miss Lopez, tatawagan namin yung parents mo."

Oh no.. this isn't happening. ***12*** Oh no she didn't!!! Tatawagan niya parents ko? Paano kung nalaman ng Daddy ko yun? Mahigpit sa ganyan yun eh. Baka hindi pa umaabot ang bukas eh naka-enroll na ako sa ibang school. Kung kailan pa naman naeenjoy ko na lahat, tapos saka pa mawawala? It sounds cheesy, but true.

Ibubuka ko na sana yung bibig ko kaya lang naunahan ako ni Jasper.

"Hindi niyo po matatawagan yung uncle ko kasi hindi naman siya dito nakatira. Isa pa, dalawang oras yung biyahe. Papagurin niyo pa siya?"

Parang wala lang sa kanya lahat. Ako naman eh kinakabahan na nun. Paano kaya kung malaman nila? Ano kayang reaksiyon ko?

Gusto ko sanang sabihin yung palusot na ginawa ko dati. Sasabihin ko sana na taga-probinsiya yung parents ko at walang telepono doon. Kaya lang nga, pumasok na sa isip ko yung idea na hindi ko alam kung sino ang kinausap ni Daddy na i-enroll ako dito, lalo pa yung idea na baka kapag sinabi ko yun, lalo akong maging in-trouble kapag nalaman nila na nagsisinungaling ako. Too much risks... wala naman akong lakas ng loob mag tip-toe sa line.

"Please po Mam, huwag niyo na pong tawagan yung parents ko. Madidisappoint po sila sa akin eh..." yun na lang yung nasabi ko at alam ko naman na hindi rin naman yun magwo-work.

Nanahimik lang din si Jasper. Si Mam Amy naman eh tinignan lang ako.

"Kayo kasing mga bata kayo, wala na kayong galang sa nakakatanda. Saka niyo naiisip na mali yung ginawa niyo kapag nandiyan na..."

Mukhang hindi siya makikinig sa akin. This is hopeless.

"Pero--" hindi naman siguro masamang mag-try kahit papaano.

"Go." sabi nung teacher namin at tinuro niya yung direksiyon papunta ng Principal's Office.

"Pero po--"

"Just GO Miss Lopez!" nagtaas na siya ng boses niya kaya napaatras ako.

Nakangiti naman si Jasper at parang lalo pa niya akong inaasar. Hindi ba siya problemado? Ako lang ba yung talo dito? Kung sabagay, sanay na siya.

"Oo nga ang kulit mo naman San Jua-- este Riel, 'JUST GO' daw. Hindi ka ba nakakaintindi ng French?"

Tinignan ko lang siya ng masama. Hindi na nga maganda yung pakiramdam ko nanloloko pa.

"Ikaw rin Mr. Morales kasama sa office. Tatawagan namin yung uncle mo, at kaming bahala sa punishment mo. Sobra na. Hindi ka na nadadala." this time, ako naman yung tumawa kay Jasper.

"Pero--"

"Pumunta na kayong dalawa." inalis na nung teacher namin yung sirang upuan at nilagay niya sa gilid.

"Pero po--"

"Expulsion Mr. Morales?"

"Principal's Office here I go!!!" nakapekeng ngiti pa si Jasper nun.

Alam ko naman na hindi totohanin nung teacher namin yung expulsion na sinasabi niya. Ginawa lang niya yung para mapapunta niya si Jasper kagaya ko sa office. Masyado kasing makulit eh. Basta nakaisip siya ng alibi na pu-puwede, sasabihin niya... gagawin niya.

Sumabay naman siya maglakad sa akin. Hindi naman kalayuan sa classroom namin yung office. Hindi ko siya kinausap dahil galit ako, basta gusto ko lang manahimik. Baka nga last day ko na ito sa school na ito, hindi ko alam. Sino bang makakapagsabi?

"May problema ka ba?" tinanong naman niya ako dahil nakatingin lang ako sa black shoes ko.

"Wala."

"Eh bakit ang tahimik mo?" sinsabi ko na nga ba uulanin na naman ako ng tanong nito.

"Gusto ko lang."

"Bakit mo naman gusto?"

"Kasi wala lang." ang kulit naman niya. "Pwede ba huwag ka muna magtanong? Iniisip ko pa yung problema ko ok?"

"Galing ko talaga. Eh di may problema ka pala?"

Naisip ko rin naman yung sinabi ko. Dahil nga makulit naman siya, hindi ko na lang sinagot.

Nakarating kami kaagad sa tapat ng Principal's Office. May benches sa tapat ng office kung saan pwede kang maghintay kapag hindi mo pa turn. Bigla na lang niya ako hinawakan sa balikat ko.

"Mauuna na ako sa loob para tapos na. Pagkatapos ko, saka ka pumasok. Ayaw niya ng sabay-sabay sa loob eh. Baka lumala pa yung sabihin nila sa uncle ko."

Pumasok naman siya sa loob pagkatapos kung tumango sa kanya. Naupo naman ako doon sa bench at naghintay na lang ng turn ko. Tatawagan nga nila yung Daddy ko. Kung Mommy ko man lang sana ang nasa bahay ok lang kahit papaano ang kalalabasan. Kaso malaki yung possibility na Daddy ko.

Nag-alarm naman na at ibig sabihin eh time na namin para sa second period. Hindi naman ako kinabahan para sa late ng klase. Kung tutuusin, wala nga akong pakialam eh. Mas namromroblema pa ako sa maaaring mangyari ngayon.

Nag-alarm na naman. Natapos na yung next two periods. Absent na kami ni Jasper. Ang tagal-tagal nga niya sa loob eh. Hindi ko alam kung bakit ganun. Ano bang ginagawa nila? Ano bang pagtawag ang ginagawa? Hindi ba kinakausap ka lang naman sa loob, tapos tapos na?

Pumasok naman si Mam Amy sa loob at tumango lang din sa akin as a sign na nakita niya ako. Hindi katulad ni Jasper, lumabas din siya kaagad.

Alarm na naman. Nagsisimula na akong mainip sa labas kakahintay doon. Nagsisilabasan na rin yung mga estudyante para sa lunch break nila.

After 10 minutes or so, finally, lumabas na rin si Jasper. Tumingin lang siya sa akin, tapos dumire-diretso na umalis. Ano na naman yun? Wala man lang good luck or bye or anything?

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Mabuti pang malaman ko na yung simoy ng hangin dito.

Lumingon yung Principal nung pumasok ako sa loob. Nakangiti pa siya sa akin.

"Can I help you... Miss Lopez?" kilala niya ako?

"Uhmmm.. kakausapin niyo po ako right? Sa punishment ko?"

Nagulat naman siya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Punishment? Anong sinasabi mo?"

"Yung sa upuan po ni Mam Amy. Sinabi po kasi niya pumunta daw dito at tatawagan daw yung parents ko."

Umupo siya sa upuan niya at ngumiti sa akin.

"Hindi na kailangan yun Miss Lopez. Sinabi na sa amin ni Mr. Morales yung totoo.."

Ngayon naman, ako yung nagulat sa kanya.

"Teka.. ano po? Anong totoo?"

"Na wala kang kinalaman doon sa upuan. Kaya sa ngayon, siya lang yung mabibigyan ng punishment. Tinawagan na namin yung uncle niya, at magkamag-anak nga sila. Tawa lang ng tawa yung uncle niya na parang wala lang at may kalokohan yung pamangkin niya."

"Pero po, ako po yung nagsabi sa kanya na..." hindi ko tinuloy yung sinabi ko. Ako yung nagsabi sa kanya na magpapansin. Although idea niya pa rin yun, may kinalaman pa rin ako.

I'm off the hook. Just like that?!? I think I deserve something. Anything. Pero kapag wala, parang hindi ako panatag.

"Inako na niya yung kasalanan."

"Oo nga po eh.. pero.."

"Gusto mo ba maparusahan din?"

"Hindi po pero--"

"E di ano pang problema?" oo nga naman anong problema.

"Wala naman po. Medyo.." nag-isip isip naman ako. "Ano po bang parusa yung binigay niyo sa kanya? Ma-expel po ba siya or something?"

"Expel? Hindi no."

Ano ba namang klaseng tanong yan Riel?

"Ilang beses na naming pinarusahan si Mr. Morales pero parang hindi rin nadadala. From cafeteria duty to bathroom cleaning.. wala pa rin. So binigyan namin siya ng activity na wala sa interest niya."

"Activity? Akala ko po punishment?"

"The same thing. He doesn't like one activity, then it's like a punishment na pinipilit namin siyang gawin yun."

Gusto ko sanang itanong kung ano. Kaya lang masyado naman na akong insider kaya hindi na rin.

Nagpaalam ako sa Principal at hindi ako makapaniwala na wala akong parusa. Hindi nila tinawagan yung parents ko. Higit sa lahat, mag-stay ako dito.

Pero bakit parang hindi pa rin ako ok?

Nakita kong hindi pa nakakalayo si Jasper kaya tumakbo ako para mahabol ko siya. Akalain mong inako niya yun?

"Jasper!" sumigaw ako doon sa hallway kaya nagtinginan sila sa akin.

Wala naman akong pakialam.

"Jasper!"

Lumingon naman siya?

"What?!?" hindi naman siya galit. Malakas lang yung pagkakasagot niya.

Ngumiti naman ako nun. Sumabay ako maglakad sa kanya.

Saka naman siya

1 ... 7 8 9 10 11 12 13 14 15 ... 39
Go to page:

Free e-book «25th Hour - Micah Fruto (good short books txt) 📗» - read online now

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment