25th Hour - Micah Fruto (good short books txt) 📗
- Author: Micah Fruto
Book online «25th Hour - Micah Fruto (good short books txt) 📗». Author Micah Fruto
"Matagal na akong nagdo-donate eh. Ayun, ayoko kasi na ipaalam dahil 'di ba hindi naman kailangan malaman kapag nagdo-donate ka? Supposed to be dapa anonymous, kaya lang laging pinag-uusapan." yun yung sinabi niya.
Parang kwento ko yun ah?!?
"Tapos, hilig ko lang talaga tumulong. Nakakagaan kasi ng loob eh.."
Yung iba naman eh tuwang-tuwa sa kanya.
"Talaga lang!" sarcastic pa yung pagkakasabi ni Kay.
Tumingin si Jasper sa kanya saglit tapos binalik niya yung tingin niya kay Mandee. Hindi tulad kanina, seryoso na talaga siya.
"Kung ikaw talaga si A.L., ano namang ibig sabihin ng A.L.?"
"Oo nga! Ano bang ibig sabihin ha... Mandee Vargas?" halatang hinuhuli siya ni Kay.
"Uhmm.. ahh.. actually, I just made it up. Yung A, for Andee.. galing sa Mandee. Tapos yung L.. uhmm.. galing sa bestfriend ko. Lovely name niya. Magkasama kasi kami dati na nagdo-donate."
Narinig kong bumulong si Jasper sa gilid.
"Andee Lovely?" mahina lang kaya napatingin ako sa kanya, "It's... weird."
"Weird talaga!"
"Hay naku hija, huwag kang mag-alala, ipapaalam ko sa office yung mga pinaggagagawa mo dito sa school at para mabigyan ka naman ng Award." sabi nung teacher namin.
"Hindi na po kailangan!"
"Deserve mo naman."
Pagkatapos naming kumain lahat nagsimula na uli yung practice namin. Wala nga ako sa mood nun eh. Hindi katulad nung unang practice namin na medyo ganado pa ako, ngayon talaga walang kabuhay-buhay. Si Kay nga din eh sinabihan ako kung ano daw ba problema ko, pero syempre.. nahulaan niya rin.
Si Mandee naman eh parang hinakot naman lahat ng kasiyahan sa mundo. Lagi nga siyang kinakausap ni Jasper nun.
Nung pinayagan kami na magpahinga uli at ipasaulo yung lines, gumilid lang ako. Si Kay eh nandun sa kabilang dulo dahil hindi raw siya makapag-concentrate magsaulo ng lines kapag maingay daw sa paligid. Yung iba rin eh kanya-kanyang upo sa auditorum.
Doon ako sa stage naupo. Sinusubukan kong magsaulo pero walang pumapasok sa utak ko. Saglit lang din, may narinig akong nag-uusap sa backstage. Boses ni Jasper at ni Carlo.
"Si Mandee si A.L.?" narinig kong sinabi ni Carlo.
Ano ba yan Riel, huwag ka ngang nakikinig sa usapan ng may usapan!
Pero syempre, hindi ko rin mapigilan yung sarili ko.
"Yeah.. sinabi na nga niya siya yun eh. I thought it was.." humina yung boses niya.
Sino daw yung akala niyang si A.L.?
"Si RIEL?!?" ang lakas ng pagkakasabi ni Carlo kaya napaatras ako.
"Sshh.." pinagbawalan pa siya ni Jasper, "It's a stupid hunch. Kaya nga kanina sinusubukan kong i-corner siya. I mean... gusto ko lang malaman kung siya. Pero hindi rin pala.."
"Paano mo naman naisip na si Riel yun?"
"Ewan ko. Siguro dahil parehas sila nung girl na sinundan ko kahapon. Pero kung titignan mo si Mandee, malayo naman eh. Sabagay, hindi ko rin naman sigurado kung sino nga yung nakita ko.. maybe.. it's just some girl."
"Some girl? Ano bang itsura?"
"Mahaba ang buhok.. about this height..." hindi ko alam kung may hand gesture ba siya, "Slim.. basta.."
"Parang si Riel nga.. pero marami namang magkakahawig sa mundo." huminto lang sila saglit kaya tumingin ako sa papel ko in-case na lumabas sila, "Ano bang tingin mo kay Mandee?"
"Ewan ko ba. Remember sinabi ko sa iyo na.. idol ko kung sino man yung A.L.? Iniisip ko pa nun na lalaki. Then I found out she's a girl, now alam ko na kung sino. Sinabi ko rin kay Riel nun na 'I admire her' or something like that nung hindi pa ko naghihinala sa kanya..." tapos umingay doon sa gitna dahil may bumagsak, "--pinsan niya si Kay. But I think Mandee's got something special. Baka.. alam mo na..."
Hey.. hey.. what about Kay? Hindi ko yata narinig yun?
"Oo nga bro.."
Lalo lang gumulo yung utak ko nun. Bigla-biglang lumabas si Jasper nun sa likod at ako eh umayos na ako ng pagkakaupo. Nakatingin pa siya sa akin nun, kaya kunwari eh ngumiti na lang ako para hindi halatang narinig ko yung pinag-uusapan nila.
Tinapik niya sa balikat si Mandee.
"Good job.."
"Thanks." tapos tumingin din siya kay Carlo at parang nag-eexpect na may sasabihin din.
"What he said." tinuro niya si Jasper.
Pinilit ko mag-focus nun pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Ganun pala talaga kapag yung mga nangyayari eh fresh pa sa utak mo at marami kang iniisip. Mahirap palang gawin yung pagsasaulo ng lines kapag ganun.
Tumabi din si Jasper sa akin pero hindi ako tumingin sa kanya.
"Ba't ganyan itsura mo? Parang ang tahimik mo ngayon?"
"Wala."
"Okay fine.. sorry kanina. Alam ko medyo pinapahiya kita... pero sorry. Ganun talaga ako. What can I say!" tinaas pa niya yung dalawang kamay niya.
Natawa naman ako pero hindi masyado.
"Ayun si Kay oh!" tinuro ko si Kay na seryoso sa piece niya.
"Yeah.. so?"
"Are you kidding me? Wala ka man lang bang move na hindi naman palpak?"
"Gaya ng?" talagang sa akin pa niya itatanong?
"Hmm... yung.. kausapin mo. Company. Minsan kasi gusto rin naming mga babae ng kausap. At minsan kapag at-ease kami sa guy, nakakapag-open kami sa kanila."
"Nakapag-open ka na ba sa isang guy?"
Napatingin ako sa kanya.
"Not really.. hindi. Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang. Para kasing ang seryo-seryoso mo minsan. Si Kay kasi madalas maingay.." tinignan ko ng masama, "--in a good way." dinagdag niya. "Gusto mo ako mag-open sa iyo? Baka kasi tawanan mo ko."
"Sus.. may nakakatawa ba sa buhay mo?"
"Wala." tumingin siya sa rubber shoes niya, "I uh.. my parents died when I was 3. Yung bro ko when I was 7. Then.. lumaki ako sa uncle ko. Bago ako mag high school, lumipat na ako sa boarding house para hindi malayo sa school." ngumiti naman siya.
"Ang lungkot pala.."
"Ang saya nga eh!"
"Maiba nga pala ako.." tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, "Bakit wala kang alam sa panliligaw?"
"Walang experience eh."
"Bading ka ba?"
Tumawa naman siya ng malakas.
"Ako bading? Mukha ba akong bading?"
"Bakit, may mga bading naman na ngayon na mga cute ah."
"Ibig sabihin cute ako.."
"Kapal mo." sumimangot ako, "Yun lang yung word na unang pumasok sa utak ko."
Nag-uusap lang kami ni Jasper nun nung bumalik yung teacher namin galing sa office. Yun pala eh ipapaalam lang yung awarding daw na plano para kay Mandee. In the end, hindi rin ako nanghinayang. At least ako, hindi nanloloko.
Lumapit naman si Mandee sa akin habang nag-uusap kami ni Jasper.
"Excuse lang ha.." tapos humarap siya sa akin, "Uhmm Riel right? Hindi kasi kilala name mo eh.. anyways.." insulto ba yun? "Alam kasi namin na hindi ka interested sa main role as Beauty, so ako na ang papalit sa iyo."
Umupo ng maayos si Jasper.
"Says who?"
"Si Mam."
"Sure."
"Sure?!?" parang naiirita si Jasper, "Hindi ba masyado namang rude yun? Nasa kanya na yung role papaalisin niyo?"
"Ok lang. Ayoko naman talaga ng lead. You can have it."
"Great. Sa props ka na ngayon, saka ikaw na din taga hila nung curtain."
"Tagahila ng curtain? That's unfair."
"Pero yun yung sinabi eh.."
"Yun ba?" parang ewan na yung itsura niya, "Then.." tumingin siya sa paligid niya, "CARLO! Ikaw na yung lead!"
"Ako?" tinuro ni Carlo yung sarili niya.
"So, minor character na lang ako.. kahit papaano.." tumingin siya sa akin..
"Sasamahan kita sa backstage.." he did what? ***18*** Wala akong ginawa kundi tumingin lang kay Jasper nung sinabi niya yun. Hindi ko rin naman inaasahan na gagawin niya yun. Syempre sinabihan ko siya na ok lang ako at hindi naman na niya kailangang samahan niya ako sa backstage, pero mapilit eh. Si Mandee naman eh mukhang nakasimangot na, tapos nung humarap si Jasper sa kanya eh saka lang siya ngumiti.
Umuwi na kami nun ni Kay at pagod na pagod kami. Ewan ko ba kung bakit sadyang nakakapagod yung araw eh wala naman kaming ginawa kundi magbasa ng lines, magsaulo at i-try yung ibang parts. Pero dahil ngayon at wala naman na akong part sa play, hindi naman na siguro ako masyadong mapapagod dahil sa props section na lang ako.
Nung gabi naman eh nagtext uli si Carlo sa akin. Syempre, sinave ko na yung number niya. Dati kasi binubura ko lang lahat ng messages niya eh. Yung unang-una nga niyang text nun na hindi ko pa siya kilala eh hindi naman ako nag-abala na i-save pa yung number niya.
"Anong balak mo kay Mandee?" tinanong ako ni Kay nung parehas na kaming nakapag-bihis.
"Anong balak? Eh di wala. Meron ba dapat?"
"Hindi ka ba naiinsulto nun? Ikaw yung naghirap sa lahat-lahat! Tapos siya yung mabibigyan ng award?" tinaas niya yung isang paa niya.
"Kind of. Pero naisip ko naman, it's her problem.. not mine. Isa pa, li-lo nga si A.L. this month 'di ba? Which means, hindi muna ako magdodonate. It's up to her na pangatawanan niya." tumingin ako kay Kay, "Mayaman ba si Mandee?"
"Anong malay ko? Close ba kami? Eh sa ugali pa lang niya mukhang hindi na kami magiging close eh!" bigla siyang ngumiti ng nakakaloko sa akin.
"Para saan naman yang ngiti na iyan?" nagduda kasi ako sa kanya.
"Hindi ba sa tagahila ka na ng curtains?"
"Yeah.. ngayon?"
"Tapos si Jasper nagpalipat din sa backstage.." tumawa naman siya, "WEIRD."
"What so weird about that?"
"Lahat ba ng lalaki gagawin yun para lang samahan yung isang girl sa backstage?"
"Ewan! Matulog ka na nga!" sinigawan ko nga.
"Asus! Kung hindi ko lang alam, kilala ko na kung sino ang gusto ni Jasper.."
"Oh talaga lang? Pakisabi sa akin kapag sure na sure ka na ah!" inasar ko nga rin.
Natulog na kami ni Kay nun. Ako kasi eh kung anu-ano yung pumapasok sa utak ko nun kaya madaling araw na yata ako nakatulog. Nung ginising ako ni Kay at baka ma-late daw kami, hirap na hirap akong bumangon at idilat yung mata ko.
Nung kinuha ko yung tuwalya ko at papalabas na ako ng kwarto namin, nauntog naman ako. May kasabay pa akong nagsabi ng 'Aray', kaya yun.. si Jasper lang pala na hindi rin tinitignan yung dinadaanan niya.
Pumasok na kami ng maaga sa school. Dumaan lang kami nila Kay sa room para mag-report sa adviser namin na may practice kami sa Theater. Este, sila lang pala. Yung Science teacher namin eh pinagalitan ako, at si Jasper dahil ilang weeks na raw kaming hindi umaattend ng so-called Science Club. Remember naging kasali kami nung nagsagutan kami sa Physics?
Right now, nasa auditorium uli kami at inaantok pa talaga ako.
"Ok, so nagpalit na si Carlo at si Jasper ng role. Si Jasper pwede nang maging Gaston at props. Si cousin ko eh.. curtain and props."
"Miss Lopez.."
Hindi naman ako nakikinig nun pero alam kong tinawag yung pangalan ko. Nagsalita ng nagsalita yung teacher namin pero wala naman akong naintindihan. Oo na lang din ako ng oo at tango ng tango kahit hindi ko naman alam yung sinasabi niya.
Nagulat na lang ako nung tumayo silang lahat at ewan ko kung ano yung napag-usapan. Nasa harap ko naman si Jasper nun.
"Tara na.." sabi niya sa akin.
"Huh? Saan?"
"Hindi ka kasi nakikinig eh!" binatukan ako pero hindi malakas, "Oo ka lang ng oo. Pumayag ka kaya na tayo ang bibili ng props sa mall!"
Yun pala yun. Okay fine! Kulang kasi ako sa tulog kaya ganito yung pag-iisip ko.
Hindi ko na rin namalayan hanggang sa nakasakay na kami sa jeep nun. Konti lang yung tao sa jeep kaya ang sarap ng hangin. Medyo malayo yung mall kaya matagal yata kaming sumakay doon.
Ewan ko na nga ba kung anong nangyari. Hindi nga rin ako nagbayad eh. Nagulat na lang ako nung ginigising na ako ni Jasper.
"Oi! Dito na tayo.." napataas naman yung ulo ko.
Nakasandal na pala ako sa balikat niya. Nagulat nga rin ako kaya tumama yung ulo ko sa bakal.
"Ok ka lang? Parang wala ka sa sarili mo.."
"Kulang kasi sa tulog eh.."
"Halata nga."
Una naming pinuntahan yung National Bookstore kasi merong mga kung anu-ano doon na pwedeng gamitin as props. Ewan ko ba kung may pera bang dala si Jasper o pera ba yun sa Theater. Ayan kasi hindi nakikinig eh!
"So anong kukunin natin?" sa akin siya nagtanong.
"Siguro.. yung pwedeng ilagay sa mga damit. O kaya kuha tayo nung makintab.. nalimutan ko na yung tawag.. para pwede sa crown. Yung iba.. hanapin na lang natin kung anong pwede." tumingin ako sa kabilang direksiyon.
"Hey saan ka pupunta?" humihiwalay na kasi ako sa kanya.
"Titingin ng materials ano pa ba? Kung magkasama tayo baka wala tayong matapos eh!"
"Yeah
Comments (0)