Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗». Author Crimson Skye
Nagising na lang si Paige na masakit pa rin ang ulo. Idagdag pa ang blurry vision nya. Nilibot ng kanyang paningin ang kwarto kung saan nakita niyang nakahiga siya sa isang patient’s bed hanggang bumalik na sa normal ang lahat. A med student noticed her and went to her side.
“Nasaan ako?” Tanong nya dito, clueless sa nangyari.
“Clinic. Nahimatay ka.”
What? Nahimatay daw siya? Looking at the records na nasa kamay nito, bahagya itong tumingin sa kanya. “Paige Williams tama?” Tumango siya. “Masyado ka lang exhausted. You might be too stress and your body collapsed. Pahinga lang kelangan mo," sabi sa kanya ng batang attendant at saka tuluyang umalis ng clinic.
Napabuntong-hininga si Paige. Nahimatay na pala siya kanina pagkatapos ng pagkablanko ng paningin niya. Who could have possibly brought her into the University Clinic? Naawa naman siya bigla sa taong iyon. Alam niyang hindi siya ganun kagaan kaya naman parang nagpinetensya na rin yon para lang mabuhat siya. Paige saw someone opening the knob. Isang pamilyar na ngiti ang bumati sa kanya. Tuluyan na ngang pumasok sa loob ng clinic si Stephen.
“Mabuti naman at gising ka na. Akala ko plano mo pang matulog dyan ng isang taon.” Napaismid na lamang si Paige. Wala pa sya sa mood para makipagbatuhan ng asaran dito. “You fainted on the stairs.”
“Medyo aware na ako sa bagay na ‘yon,” sabi niya. “Ikaw ba ang nagbuhat sa akin?”
Agad naman itong sumang-ayon saka umupo sa tabi niya. “Ako nga. Bakit?”
Napansin niya ang sugat sa may lower lips nito na agad niyang ikinabahala. Naalala niya yong taong nasa likuran niya bago siya mawalan ng malay. Could it possibly be that it was Stephen? “Naipit ba kita? Sorry ha.”
Napansin naman ni Stephen ang worried look sa mukha ni Paige. He set a comforting smile on his face. “Hindi ako yong naipit mo,” sagot nito. Then he added, “It was Nicholas. Nasa likod mo lang kami parehas nang bigla ka nalang natumba. Actually, siya ang umipit at dumagan sa’kin.” Stephen sighed. Napakabigat kaya ni Nicholas. Braso palang e ga-bakal na ang bigat. Idagdag pa si Paige? Kamusta naman? He was the most unfortunate one after all. Para kayang pinitpit na lata si Stephen matapos silang magpagulong-gulong pababa ng hagdan.
She set a cynical smile and chuckled, imagining how things happen. Napaka-awkward siguro noon. Tama, napaka-awkward talaga. For sure, sila na naman ang usap-usapan ng lahat. Sila at ang kanilang "ill-fated" life. Two nerds and a rebel na nahulog sa hagdan. Paige smirked silently. Oy! Pwedeng headline. “Sorry kung pati ikaw e nadamay sa kamalasan ko,” she found herself saying.
Napangiti si Stephen. “Correction. Our misfortunes.” At nagtawanan sila pareho. Bigla namang bumukas ang pinto and Nicholas Freeman barged into the room. May dala itong plastic bag. Mukhang galing pa ito ng grocery store. “Nandyan ka na pala,” sabi ni Stephen saka sinenyasan itong lumapit sa kanila.
Paige took a deep sigh at agad na nag-sorry, “Sorry sa kanina.” Hinanap niya kung may bali o sugat si Nicholas dahil kung meron konsyensya pa niya. Nakahinga naman siya ng maluwag. Buti nalang at ni galos e wala. Sa laki ba naman nito. Kahit siguro tumalon pa ito sa third floor e magba-bounce lang ito.
“Ok lang Paige. Para lang water bed yong hinulugan natin kanina,” sabi pa ni Nicholas. Napangiti naman si Paige sa sinabi nito.
Stephen, on the other hand, set an insolent smile on his face. Water bed ka dyan? Ikaw kaya ang nasa lugar ko kanina. Ewan ko lang kung makangiti ka pa! Buti nalang at walang nabali sa spinal column ko. The aching sensation on his lips lingered on his whole senses. Buti nga at yon lang ang nakuha niya. Nasiko kasi siya ni Nicholas sa labi. Bakit nga ba kasi hindi niya naiwasan yon? Bakal nga talaga siguro ang siko nito. Koting minuto na lang at magsisimula na naman ang sunod na klase. Lagi nalang siyang naghahabol sa oras. Nakakasawa rin pala ang ganung klase ng trabaho. Napabuntong-hininga siya. The thought of having no lead on the suicide case made him uneasy. It had been two days since he entered the University pero wala pa rin siyang clue kung ano at sino ang mga involved sa nasabing insidente. Sigurado na siyang hindi suicide ang nangyari. Malakas ang instinct nya at kahit kelan hindi pa siya binibigo nito. Sa tulong ng mga influential individuals sa Bureau na nagtitiwala sa kakayahan at skills niya, nagkaroon siya ng pagkakataon na magsagawa ng sarili nyang investigation regarding sa unexplained, disturbing chained suicide. Walang nakakaalam sa Intel about sa bagay na ito. Bilang lang at yong mga pinagkakatiwalaan lang ang may knowledge sa task nya. Lalong gugulo kung malalaman ng lahat kaya kailangan ng ingat. Stephen draw out some air and turned his look into the corner aimlessly.
“Oy, try mo ‘to Paige. Marami akong binili para sa’yo.” It was Nicholas, taas-taas at pinagmamalaki ang kanyang mga pinamili. “Nagugutom ka na siguro kaya ka nag-collapsed kanina.”
Psh. Baka naman ikaw ang nagugutom. Napaismid lang si Stephen sa isang tabi, shaking his head. This guy was a total guzzler, sa size nalang nito may ipagtataka pa ba? Nangingislap pa nga ang mata nito na nakatitig sa mga grocery o kung ano pa man ang laman ng ipinagmamalaking plastic nito.
Namilog naman ang mata ni Paige, touched sa ginawa ni Nicholas. “Wow. Bait mo naman!” Nicholas laid out some pasta dishes and other whetting appetite stuff. Kasya naman ito sa tatlong tao. Nakaramdam na rin si Paige ng pagkagutom matapos makita yong nakakatakam na binili ni Nicholas. May pagkulo pa nga ang tyan niya e buti nalang walang masyadong nakarinig. Alam nyo ba na wala pa siyang kinakain simula pa kagabi. Fasting kasi ang peg. “Perfect na perfect ang timing nito a,” bulong pa niya.
Napabaling naman ang tingin sa kanya ni Nicholas sabay humagalpak ng tawa. “Oo nga e. Ang sarap mamili kung marami kang pera, no?”
Stephen crossed his arms over his chest, kunwari ay nasamid. “Si Stephen naman ang nagbayad ng lahat ng yan e,” dagdag pa ni Nicholas sabay nguso kay Stephen na iiling-iling nalang. Paige titled her head towards Stephen with a dazzled look. Napansin naman ni Stephen ang meaningful look ni Paige at saka napangiti. Ano pa nga ba? Syempre sya ang nagbayad ng ipinagmamayabang ni Nicholas. Paige rolled her eyes and gazed back to Nicholas na halos wala nang bukas kung makakain. Grabe. This guy would surely die an hour without food. Nauwi nalang sa senyasan ang dalawa saka humantong sa tawanan na silang dalawa lang ang nakakaalam. Medyo nakaramdam naman si Nicholas na sya na ang topic kaya napatigil ito at inabutan ng pagkain si Paige. She shook her head and burst into laughter. Buti naman at nakaramdam rin ito. Parang ito pa ang nahulog at nahimay kanina a.
Napasulyap si Stephen sa bukas na pinto ng clinic. An odd gaze of a man caught his attention. The man was wearing a set of uniform na may logo ng Hartford sa likod ng shirt nito. He must be the janitor. Kung paano tumingin sa kanila yong janitor, that was bothering him. Parang ansama naman ng stare nito at parang naiilang pang ipakita ang mukha sa suot nitong tight-fitting na cap. It was puzzling and thought-provoking as well. Hindi kaya… Stephen narrowed his eyes. Agad namang sinundan ni Stephen sa labas ang weird na janitor para makakuha man lang ng ilang shot. Baka may makuha siya kahit ilang lead dito. The man was a bit distance from him. May inikot siyang maliit na control, enhancing the magnification of the lens with a simple twist, saka agad na priness ang isang maliit na capturing device na nasa salamin nya. Nakita naman ni Paige ang kakaiba niyang kilos na nagpakunot sa noo nito. Stephen gazed back and paused, meeting her gaze. Agad namang nagpakawala ng inosenteng ngiti si Stephen saka umarte na parang wala lang. Kahit na gusto pa sana niyang habulin yong janitor, hindi na niya ginawa baka lalo lang magduda sa kinikilos niya si Paige.
“Bakit? Anong meron?” tanong ni Paige na salubong pa rin ang kilay. Bakas sa mukha nito ang curiosity. She actually noticed the sudden change on his eyes earlier. Isang seryoso at nakaka-puzzle na tingin. Para bang isang seryosong tao si Stephen na hindi niya maipaliwanag. A whole lot different from the usual carefree and composed one.
Stephen slowly shut the door behind his back with a thud. Tinitigan niya si Paige nang ilang sandali saka ngumiti. “Akala ko nakita ko yong isa sa mga friend ko sa Pristine. Nagulat nga ako e. But I guess, I was just mistaken.” His eyes gazing into hers, measuring the thought Paige had on her mind.
“Ah. Ganun ba?” She smile and nod. Bakit ganon kanina lang iba talaga si Stephen tapos ngayon bumalik na ulit sya sa Stephen na kilala ko. Two-face guy ba ang lalaking ‘to? Napabuntong-hininga nalang si Paige. Siguro ganun talaga pag genius ka. Mahirap hulaan ang pagkatao.
“Oy, Stephen!” singit ni Nicholas, licking his thumb. “Narinig mo na ba yong bagong labas ngayon? Yong XG 7i?” Natahimik naman si Stephen saka alangan na umiling. He knew it for sure. Nakakapagtaka lang kasi alam na yon ni Nicholas.
“You should check it out! Napaka-cool nun, man!” dagdag pa nito. Halata ang excitement sa mga mata.
Dahan-dahang inabot ni Paige yong mansanas na nasa table saka tumingin kay Nicholas, “Ano nga ulit ‘yon?” Isang malaking kagat ang inumpisahan niya. Manly things or nerdy things rather, does not concerned her but in any case, she wanted to know. Wala lang, kesa naman maging OP siya.
“Tsk. ‘Yon yong bagong labas ngayon!” bulalas ni Nicholas na excited na excited sa pag describe. Nagtalsikan tuloy yong ibang laman ng bibig nito. Paige frowned. Kadiri. It was really gross, she thought but managed to smile. Hindi nalang niya pinansin yong tumalsik sa muka niya na maliit na hibla ng pasta. “Napaka-cool talaga na relo nun! Multi-purpose na wrist watch yon! Ginagamit ng mga spy!” Sabay lunok. Akala nila dun na natatapos ang pagbibida nito, may kasunod pa pala at kasing laki na ng mata ng kwago ang mata nito. “Alam nyo ba na nakakapag-record ito ng vocal conversation kahit na milya-milya ang pa layo?! Pwede na yong gamitin na bug o kaya pang-wiretap! Tsaka waterproof pa yon!”
Stephen nod, amazed with Nicholas. Kahit na medyo kulang ng specs yong pag-describe nito, ok na rin. Nakalimutan lang nya na sabihin na may GPS rin yon. Kaya nga ginagamit ng mga agent sa mission lalo na sa team exercises para malaman kung reachable pa yong mga team members o nahuli na ng mga kalaban, usually used as tracker. Ginagamit rin yon sa rescue ops. Updated sa Intel ang isang yon ha. How did this man know those things? Oo nga pala. Nakalimutan nya na Nicholas was a "knows-all" guy. Gusto tuloy nyang i-challenge ang kaalaman nito. “Yon na ba yong latest release?”
“Oo dude! Gusto ko ngang magkaroon ng kagaya nun! Pangarap ko talaga!” At nag-puppy eyes pa nga si Nicholas kahit hindi bagay. “Kung bibigyan lang ako ng Intel ng authorization para magkaroon nun! Agent na sana ako! Alam nyo ba na pangarap kong maging agent! Sa katunayan, yon ang profession na kukunin ko sa next life ko.”
Maya-maya ay may narinig silang pagtawa. Si Paige yon. Hindi na nito kaya pang pigilin ang tawa nito sa naririnig niyang pagsesenti ni
Comments (0)