Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗». Author Crimson Skye
Hindi nagpakita si Paige nang hapong yon. Malapit nang matapos ang klase pero wala pang Paige na nagpapakita. Stephen draw out a sigh. Kasalanan ba nya kung bakit ito absent? Napatingin sa kanya si Nicholas. “Nasaan si Paige?” The guy mouthed. Napakibit-balikat lang siya. Wala rin siyang idea kung saan ito nagpunta. Baka naghahanap ng matutuluyan o di kaya ay naghahanap ng pwedeng hingan ng tulong.
And there it goes. Natapos na nga klase at time na rin para magsiuwian ang lahat. Nicholas called out for him in the hallway. Ayan na naman sya. He was sure that it was about Paige again. “Nasaan nga kaya si Paige?” Tanong pa nito. At hindi nga siya nagkamali. Kelan pa ba siya naging police station na pwedeng pagtanungan ng mga nawawala. Intel agent po siya.
“Wala rin akong idea kung nasaan siya.” He turned to his watch. It was past six. Lumingon siya kay Nicholas. “Baka nauna nang umuwi sa atin.” Okay nang sabihin nya yon kahit hindi siya sure kung nakauwi na ba talaga ito, wag lang siyang kulitin ni Nicholas.
Napasang-ayon naman niya ang nerd at sabay na rin silang naglakad palabas ng building. Silence took over. “Alam mo ba nakakaawa si Paige,” basag nito sa katahimikan. He had no idea what this guy was fussing about kaya mas pinili nalang niyang makinig kay Nicholas. “Mag-isa nalang kasi siya sa buhay. Namatay yong mama nya halos isang taon na mula ngayon.” Stephen narrowed his eyes but chose to keep his silence. Ano ba naman yan? Parang nakokonsyensya na tuloy siya. Paige had been nice to him, kahit na weird-looking pa ang itsura nya sa suot niyang eyeglasses. Pero may mga bagay lang talagang dapat siyang i-consider that he could not easily agreed upon. Hindi na naman siya average college student na allowance at bills lang ang iniisip. No. Not anymore.
Sa gitna ng kanyang pag-iisip, Nicholas spoke again, “Kumusta nga pala ang aikido?”
“Aikido?” Ulit pa niya saka sumulyap sa katabi. Mukha namang tama siya ng dinig. Excited kasi ang mukha nito at may pag tango pa. Stephen twisted his lips. “Medyo mahirap pero fulfilling.” He shove a hand into his pocket habang pababa sila ng hagdan. Napakatahimik pala ng University pag gabi. They had passed several rooms and most of them were already vacant. Konti nalang ang may klase at konti rin lang ang mga estudyante na uma-attend ng night class.
“Ilan naman ang nakuha mong grade sa aikido class mo?” usisa pa nito sa kanya.
Natagalan bago pa siya nakasagot. “I got F for Failed?” Nakangiti niyang sabi dito. Pinagtawanan naman siya ni Nicholas. Iniisip siguro nito na halos magkatulad lang pala sila kung kukuha ito ng aikido class. Stephen just laughed, shaking his head. Hindi naman kasi yon totoo. He got an A+ to be honest.
Napatingin siya sa may kaliwa niya at agad na napatigil. It was Christopher heading into that building again. Ano bang meron sa research lab na yon at binabalik-balikan ng mokong na to? At this point of hour, what would a normal student like Christopher do on that research-reserved spot? Naalala tuloy niya yong usapan ng med student at nung mokong.
Nalampasan na sya ni Nicholas kakatingin kay Christopher na parang multong nawala na naman. “Bakit ka napatigil?” tanong ng classmate nya. Wala na siyang time para sagutin pa ito at nagmamadaling bumalik ng building.
“Sa'n ka pupunta?”
“May nakalimutan ako,” sagot niya. “Mauna ka na.”
Napataas ang kilay nito. Bakit nga ba ganun itong si Stephen? Parang ewan na kung saan saan pumupunta at sumusulpot. Nagkibit-balikat nalang ito saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala na naman siyang pakialam sa kung ano mang business nito. Namilog ang mga mata nito nang maalala na ngayon nga pala ang football finals! Nagmamadali tuloy ito sa paglalakad. Medyo malayo-layo rin ang gate. Sobrang tahimik naman ng paligid at siya nalang nga pala ang naglalakad palabas. Lumingon siya para tingnan kung nakababa na ba ng building si Stephen pero wala pa ni anino nito. Napakadilim rin pala sa University kung gabi. Lamp post lang ang ilaw niya at medyo nagloloko pa yong iba. Ito ang rason kung bakit ayaw ni Nicholas ng night class. Lalo na nang maalala nito ang pagkamatay nung mga suicide victims. Nangilabot tuloy ito. Naniniwala pa naman ito sa mga multo. Sinabayan pa ng sunod-sunod na pag-indap ng mga light post sa likuran nito. Para tuloy itong ipo-ipo sa bilis ng paglalakad na may kahalong sigaw pa papalabas sa University. Muntik pa ngang madapa sa pagmamadali. Hindi napansin nito na may nalampasan na siyang tao. Actually, aware naman ito na may nalampasan sya sa may gate hindi lang nito pinansin at hindi rin nag-dare na tingnan pa. Pero sad to say, it was Paige. She tried to call him out pero nagtatakbo nalang ito palayo sa kanya. Naiwan tuloy yong isa na confused sa pagtakbo ng kaibigan.
Anyare? Paige run a hand over her blonde hair sabay upo sa sidewalk. Isang malaking pack bag ang nasa likod nya. Daig pa nya ang maga-out of town sa laki ng bag na yon. Dun kasi nakalagay lahat ng mga gamit nya. Pinalayas na kasi sya nung bruha nyang land lady. She had made up her mind too. Nakakalungkot lang isipin na hindi na nya matutupad yong promise nya. Paige let out a sigh. Nakakasilaw na mga headlight ng mga sasakyan ang dumadaan sa harapan nya, one after the other. Pinagmasdan lang niya ang mga ito saka nagpakawala ng isa pang buntong-hininga. Kung pinayagan lang sana siya ni Stephen na tumira sa bahay nito, may tyansa pa sana syang maghanap ng trabaho. Pero hindi naman nya ito masisisi. Stephen had his own life too. A lucky one. Naisip nya si Nicholas. Hindi talaga pwede si Nicholas. Nakakatakot kaya ang mama nito. Tapos, ang dami pa nitong kapatid. Ayaw naman niyang makidagdag pa sa problema ng mga ito. Napakamot si Paige sa kakaisip. Matapos ang ilang sandali, may narinig siyang usapan papunta sa kinauupuan nya. Galing yon sa University. Siguro mga night class students. Nagulat nalang siya ng makita nya si Tiffany kasama ang mga friends nito. Pambihira! Ngayon pa lang magsisiuwian ang mga yon? Paige hurriedly hid herself on the thick bushes on the side. Tyak na pagtatawanan kasi siya nito pag nakita yong bag na dala-dala niya. Maya-maya pa’y may sumunod na sasakyan kung saan naman sumakay ang mga ito. Paige smirked. Kilala kasi nya kung sinong driver. No other than Christopher. Ang sweet pa nga nung dalawa e. Perfect talaga sila. A match made in hell. Nang makaalis ang mga ito, umalis na rin si Paige. Mas mabuti pa na maghanap nalang siya ng panibagong lugar na pwedeng magpalipas ng gabi. She put on her close-fitting cap and walked away. Mali siguro yong desisyon nya na sa University matulog.
***
Stephen watch as the car drove away. Chineck rin niya ang simulator. Meron kasi itong nadetect na panibagong virtual blueprint. He flip the virtual projection to the right. May basement pala ang research building na yon. Malamang yong doorway kung saan muntik na syang mahuli kanina, dun siguro ang entrance. If he was not mistaken, Christopher might be involved in something. He twisted his lips, placing his arms in the opened window of his car with his fingers on his forehead. Sumasakit kasi ang ulo niya kakaisip sa mokong na yon. Kung hindi lang naka-lock yong pinto ng research lab nung balikan nya kanina, matagal na nyang napasok yong takteng secret basement na yon. Mukhang nag-iingat na rin ang mga yon a. May pasecure-secure na rin ng mga facility nila. University pa ang tawag dito? May secret basement na authorized personnel lang ang pwedeng pumasok? Tapos yong nag-utos na i-locked down yong basement e hindi naman stockholder ng University. In-charge lang naman yong Gregory na yon. Halos lahat kaya ng stockholder ng institution ay nasa ibang bansa. Putting back all his stuff inside his bag, he turned the ignition on. Naiirita lang siya sa tuwing naaalala nya yong Christopher na yon. Ewan ba kung bakit. Stephen slid his phone open. After a few taps and slides, inihagis na niya ito sa tabi nya saka pinatakbo ang sasakyan palabas ng University. He got leads somehow. Three days won’t be that long. Pero mabagal pa rin ang flow ng investigation nya. Kahit na hindi masyadong nag-iexpect ang Bureau mas maganda kung mag-iiwan man lang siya ng konting updates. A silhouette of a girl caught his attention as he drove down the walls of the Hartford. Nalampasan na nya ito nang bigla siyang matigilan. Paige? What the heck is she doing outside the University at this time? Stephen shook his head and drove away. Wala naman siyang magagawa para dito.
Napansin ni Paige yong familiar car na lumampas sa kanya sa di kalayuan pero mas pinili na rin nitong wag nalang itong pansinin. Marami naman kasing ganung type ng sasakyan. She shove her hands into the pocket of her jeans and walked at a dawdling pace. Stephen watched her at the rearview mirror of the slow-moving car. He took a sigh and gathered his speed. Naaawa siya dito pero ano ba ang pwede nyang gawing tulong? On top of anything, he could not drag her into the things only he should be aware of. Baka lalo lang nitong ikapahamak sa huli.
Paige was about to take her next step nang matanggal yong yapakan ng sapatos nya. Wala tuloy itong nagawa kundi tumigil at pagtyagaang ayusin ang nasirang sapatos. Kelan pa nga ba huli siyang bumili ng gamit para sa sarili nya? Her face turned awful and wretched. Mama lang naman kasi niya ang bumibili ng gamit niya. Yong ibibili nya nun ipangkakain nalang nya. Hayyyy. Kelan pa ba matatapos ang
Comments (0)