Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗». Author Crimson Skye
“Get in.” Narinig niya. It sounded like Stephen. Nag-aalangan pa syang lumapit dito. A light had been turned on, and it was really him. Stephen faintly smiled and waved his hand.
Nakahinga si Paige nang maluwag. “Ikaw pala yan.”
“Sakay na.”
Agad naman siyang sumakay dito kahit nung una e nag-aalangan pa siya. She tug the seat belt on her side. Mabilis namang pinatakbo ni Stephen ang sasakyan. Nakakabingi ang katahimikan sa loob. Sobrang lakas pa ng aircon. Para tuloy siyang nasa North Pole na awkward ang atmosphere.
“Bakit ka tumakbo kanina?” Narinig niyang tanong ni Stephen, without even looking at her. Ganoon ba talaga makipag-usap ang mga driver? Kelangan sa daan lagi nakatingin?
“Akala ko naman kasi kidnapper ka,” tugon niya, medyo awkward pa rin.
“Saan ka tutuloy ngayon?”
Parang hindi nito narinig yong joke niya. Change topis agad? Kahit papaano joke na yon para sa kanya. Ano ba naman yan? May kasungitan rin palang taglay tong si Stephen. Napaisip tuloy siya ng isasagot, yong tipong hindi siya masyadong magmumukhang pathetic dito. “A-Ah... Dun ako tutuloy sa bahay ng friend ko. Papunta na nga ako e.” Oo. Kasinungalingan. Nahihiya kasi siyang sabihin na sa University sana siya matutulog. Paige suddenly saw the cynical smile that was twisting on his lips. “Ano namang ibig sabihin ng ngiting yan?”
Stephen turned to her. “Naku-curious lang kasi ako kung sino yong friend mo na yon.” Napatigil ito sabay sabing, “Si Nicholas?” He saw the glint of lie on her eyes. Alam nga naman pala nitong silang dalawa lang ni Nicholas ang kaibigan nya. Kasasabi lang niya dito. Ilang oras pa lang ang nakakaraan, remember?
Napayuko tuloy si Paige. Then, the traffic light turns red for a halt. Stephen pulled the brakes and the screeching of tires came after. Napatingin ito sa kanya. Hinihintay ang pagsasabi nya ng totoo. Nagkaroon rin sya ng lakas ng loob para tingnan rin ito, and she finally end up raising her both hands in defeat. “All right. All right! I lied.” Amin niya. “Wala naman talaga akong tutuluyan. Sa University nga sana ako matutulog kaso natakot naman ako bigla. Baka kinabukasan ako na ang laman ng headlines ng mga dyaryo… kaya naman umalis nalang ako kahit na hindi ko naman alam kung san ako pupunta. Tapos yon, bigla ka nalang nagpakita. Akala ko talaga kidnapper ka!”
Hindi alam ni Stephen kung matatawa ba sya o ano. Hindi kasi inalis ni Paige yong part na napagkamalan nitong kidnapper sya. E kung kidnapper man sya, wala rin naman syang makukuhang ransom dito. Mas pinili nalang tuloy niyang manahimik baka matawa lang sya. He accelerated and engage gears to a moderate speed as the light turns to a go.
After some time, nagsalita ulit si Paige, “Nakita ko kaya itong sasakyan mo nang umalis sa University kaso hindi ko lang pinansin kasi marami namang katulad na model ‘to.” Napasulyap siya kay Stephen. “Bakit ka nga pala bumalik?” Alam naman niyang dahil sa kanya gusto lang niyang marinig yon galing kay Stephen. At least, maibalik kahit one fourth nung pride nya.
Stephen smirked. Alam naman niyang alam ni Paige na bumalik siya dahil naawa siya dito. Hindi naman kasi sya ganun kacold-blooded. Minsan lang. And yes, he was breaking the rules again. Pero ano bang magagawa niya? Alangan namang hayaan nalang niyang matulog ito sa sidewalk? Paano kung masagasaan o kaya ma-hit and run ito? It would not bring him at peace for all his life. Kelangan lang hindi ito makarating sa Intel. He gazed at her, “I just can’t let you sleep somewhere. Konsyensya ko pa.”
Naningkit ang mga mata nito. “So, you’re allowing me to stay at your place?”
“Not exactly,” he retorted, stirring the wheel with a hand habang yong isa nakapatong sa bukas na bintana nung sasakyan. “Just for tonight.” She heard him say. Napasimangot naman si Paige saka napabuntong-hininga. Akala pa naman niya one week na ang palugit nito. Pero okay na rin kesa sa kalye matulog.
Nakamasid si Paige habang dumadaan sila sa Wisconsin Boulevard, just blocks away from the University. Wala naman pala itong masyadong pinagbago, full of life and well-run pa rin. Natigilan siya nang maalala ang isang pamilyar na lugar. Malapit lang yon. Sure na sure sya. She looked around every corner but it was so dark that she cannot figure out exactly where it was. Halos isang taon na rin ang lumipas at may ibang bagay na nabago dito hanggang sa lumampas na nga sila sa lugar na yon. Siguro sa ibang araw nalang niya ito hahanapin.
Maya-maya pa’y nakita na lamang ni Paige na lumiko ang sinasakyan nila gawing kanan at huminto sa harap ng pamosong Grand Shire Hotel, the well-known hotel in town! Grabe ang ganda pala talaga nito! Paige stared in awed of its towering height and beautiful façade. They drove into the ample parking area sa tabi ng hotel. And most cars na naka-park dito ay luxury cars na pagmamay-ari ng mga kilalang personalidad. Hula lang nya yon pero may possibility di ba? Stephen rolled up the window and turned off the lights. Napatanga naman si Paige habang tinitingnan itong siniwitch-off ang ignition ng sasakyan. Totoo ba talaga? Dito sya nakatira? Afford nya as in? Kung ang tuition nga sa Pristine e keri nito, may dapat pa bas yang ipagtaka?
Napansin siguro nito ang pagkunot ng noo ni Paige kaya ito lihim na napangiti. Stephen gathered his things and said, “We’re here. Baba na. What are you waiting for? Christmas?” Raising a brow, she stepped out of the car at parang PA na susunod-sunod kay Stephen sa reception hall. She could not believe her eyes. Hindi man lang niya iniisp na makakatuntong siya sa ganun ka-exclusive na hotel. The attendants greeted them as they enter the hall. Kapansin-pansin ang loob nito. Napakaganda at mukha talagang mayayamang tao ang nakatira dun. Noticed by the exquisite design na nakaukit sa mga pader. High standard carpet and tiling pa ang gamit sa sahig! Astig talaga! Lalo tuloy na-enhance ang ganda ng lugar. May dancing fountain pa sa gitna na halos abutin na yong nakabitin na golden chandelier sa kisame! Paige gazed around. It was really magnificent! Sa second storey naman makikita yong dining reception na nagseserve sa mga prominenteng guests. Napatingin siya kay Stephen na busy sa pakikipag-usap sa isang receptionist. Mukha namang nagkasundo na yong dalawa at iniabot kay Stephen yong susi, saka sumenyas sa kanya para sumunod. Binilisan naman ni Paige ang paglalakad kahit na medyo iika-ika siya dahil sa sira niyang sapatos. They headed for the elevator. After a sec came a ding saka nagbukas yong pinto. A number of guests stepped out of it. Karamihan sa mga ito ay mga babaeng nasa edad trenta na pero halatang galing sa mayayamang pamilya base sa fashionable na pananamit ng mga ito. May mga topic ang mga ito na sila lang ang nagkakaintindihan. The men, three of them came after. Isa sa mga ito ang humablot sa kamay ng fiancée nito kasunod isang napaka-passionate na kiss. Para namang haliparot yong iba kung makapag-react. Their laughter filled the whole area pero parang walang pakialaman ata sa lugar na yon. Kanya-kanyang trip lang. It was maybe a conventional scenario on hotels like this. Napansin naman siya nung babaeng hinalkan ng fiancé nito at nagulat si Paige ng ngitian at kindatan pa sya nito sabay tingin kay Stephen, then back at her. Paige arced her brow, sabay higit sa cap niya. Ano namang ibig sabihin nun? Akala siguro nun boyfriend nya si Stephen! May pagkindat pa. Hayy… Anu ba yan? Na-misinterpret na agad. Stephen smirked, making a step into the opened elevator bago pa man ito magsara. He cleared his throat, dragging her inside. Para pa kasi siyang tuod dun sa labas. Ilang sandali pa ay nagsara na yong elevator leaving the two of them.
Chapter TenThe smell of burnt onions and garlics ang nagpagising sa natutulog pang diwa ni Paige. Mukhang ang sarap naman ng niluluto na yon! Nakakagutom ang amoy! Marahan niyang kinusot ang inaantok pa nyang mga mata habang ina-adjust ang paningin sa liwanag. Chineck niya ang cellphone. Past six na nang umaga. Inunat niya ang mga kamay at dahan-dahang bumangon sa couch, sinundan pa ng isang ubod ng laking hikab. Napasarap ang tulog nya. Her eyessuddenly turned wide. Wala nga pala siya sa kwarto nya na obvious naman! Magpapanick na sana si Paige nang maalala ang lahat. Napatingin siya sa kusina at na-shock nang makitang nagluluto na si Stephen. Noon lang sya nakakita ng lalaking nagluluto. Agad naman siyang tumayo para makigulo sa pagluluto nito. He smiled and shook his head, sprinkling some sesame seeds on the cooked dish.
“Tapos ka na agad?” tanong niya dito na nakaarko pa ang isang kilay. Ang bilis naman nitong magluto. Tapos parang ang sarap pa ng niluto nito. Parang gusto na nya tuloy tikman pero nauwi nalang siya sa pag amoy-amoy dito. Ang bango bango naman! “Marunong ka palang magluto?”
“Medyo,” sagot nito na may kasama pang pagkindat. Stephen began cleaning the messy kitchen. Tinulungan naman siya ni Paige sa pagligpit sa mga ginamit sa pagluluto.
“Alam mo bang napaka-unusual na bagay sa isang lalaki ang pagluluto?” sabi pa ni Paige.
“Ows,” tipid na sagot nito. Napangiti lang naman si Paige. Medyo sanay na rin sya sa katipiran ng mga sagot nito kung minsan. “On my part, kelangan kung matuto ng lahat ng bagay. Hindi lang yong puro sa trabaho — …” Napatigil ito. “I mean trabaho sa school… school works.” dagdag pa nito ng may pagkibit-balikat. Muntik na itong madulas.
Napatango nalang si Paige at hindi na masyadong binigyan ng emphasis yong nasabi nito about sa trabaho. May gusto syang sabihin pero hindi niya maisip kung ano yong right word na mag-dedescribe kay Stephen. “Alam mo parang sobrang advance ng utak mo.” Yon nalang ang nasabi nya saka nagtanong. “Tama ba?”
He smirked. “You mean, I act like a matured one? Yon ba yon?”
Napa-pout naman si Paige. Matured? “Hmm.. Tama! Yon nga!” They end up in silent laughter at saka nagsimulang kainin ang breakfast na niluto ni Stephen. Wala silang ibang topic kundi school, si Nicholas at yong dish ang last talking point nila. In some way, it seems that they felt comfortable with each other.
“So, anong tawag mo dito?” tanong ni Paige sabay abot sa bowl ng chicken. Wala na nga syang poise kumain e. Ang sarap kasi nung dish!
“Simpleng fried chicken lang yan na may twist,” sagot naman nito. “Nilagyan ko lang ng sauce.”
“Galing mo naman!”
“No kidding?”
Natawa si Paige. Mukha ba syang sinungaling? “Opo. Wala pa kaya akong pinupuri pagdating sa pagluluto kaya dapat mo akong paniwalaan. Si mama palang pala ang napuri ko.” Patotoo niya. Nakita nya ang pagtaas ng kilay nito na may kahalong pagdududa. Paige rolled her eyes and crossed a finger over her chest. “I swear. Masaya ka na?”
“Convinced.” Sa wakas ngumiti rin ito.
Inabot nito ang isang basong tubig habang si Paige naman ay nagsimula na ring magligpit ng mga pinggan. Voluntary dish washing mission na ang gagawin niya. Sosyal naman siya kung si Stephen
Comments (0)