Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗». Author Crimson Skye
“Paige! Halika. Bilis!” Tawag nito habang binunuksan ang pinto ng isang bar. Tama. Bar nga yon! Ano namang gagawin nila sa bar? Mukhang nagkakatotoo na ang hinala niya dito. Wala siyang nagawa kundi sumunod nalang. Bahala na.
Puno ng iba’t ibang disco lights ang loob nito na bloodshot shade pa ang drama ng main light. Ano pa nga bang dapat i-expect sa isang bar? Nakakabingi ang tunog sa loob. Music pa ba ang tawag nila dun? Kahit kelan hindi nya na-appreciate ang rock music. Napakasikip na sa loob sa dami ng tao. Daig pa ang may handaan. Halos karamihan sa mga ito ay nasa twenty ang edad pataas. Most of them were drinking, smoking and just having fun kasama ang maraming babae. Nawala sa tabi nya si Margarette na agad namang hinanap ng mata niya. Nakita nalang niya itong nakikipag-usap sa isang lalaki na nasa fifties na. Alam niyang sya ang pinag-uusapan ng mga ito dahil sa pabalik-balik na sulyap nito sa kanya. Ilang sandali pa ay tinawag na rin sya ni Margarette. Lumapit naman sya sa mga ito kahit na nag-aalinlangan.
“Manager namin... si Mr. Connor,” Pakilala nito sa lalaking katabi. Pilit lang naman nya itong nginitian. “Gusto daw nyang magtrabaho dito, di ba Paige?” Tumango-tango naman ang manager nito at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.
“A-Ah…” Pautal-utal pa siya dahil nag-aalangan talaga siyang sumang-ayon dito. “Parang ganun na nga.” Yon nalang ang nasabi nya sa tono na parang napipilitan lang. Pero yon naman talaga ang totoo. Napipilitan lang sya.
“Mukha namang ok sya.” Narinig niyang sabi nito saka bumaling kay Margarette. “Ikaw nang bahala sa kanya, Margarette.” Pagkatapos nang mabilis nilang introduction ay umalis na ito.
Nakangiti namang tumingin sa kanya si Margarette. “O ayan! May trabaho ka na!”
Napilitan na namang ngumiti si Paige. This was not the job she was actually expecting to have. Napansin niya yong mga babae sa may gilid at ang suot ng mga itong revealing clothes. Idagdag pa ang nakapaligid ditong mga lalaki. Oh no. Napakunot-noo siya. Wag mong sabihing magsusuot rin sya ng ganung type ng damit? Hindi ata nya kakayanin. Baka atakihin sya sa puso. Kahit kelan hindi nya pinangarap na magsuot ng kagaya nun sa tanang buhay nya!
Mukhang napansin naman ni Margarette ang worried look ni Paige. “Wag kang mag-alala. Bar tender ka lang naman. Naglayas kasi yong isa naming katrabaho. Idinate yong hottie na customer nung isang gabi at hindi na bumalik.” Pag-iexplain nito.
“Baka naman naligaw,” pabiro niyang sabi dito. Medyo awkward na kasi ang pakiramdam nya. Pero at least gumaan naman kahit papaano ng malamang bartender lang siya. Madali lang naman sigurong mag-serve ng alak.
Napatawa naman ito sa nasabi nya. “May sense of humor ka rin naman pala. Halika na nga at ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo. Wala ka rin namang matutuluyan diba?”
Nagmamadali itong pumunta sa back door ng bar saka umakyat ng hagdan papunta sa second storey. Maraming kwarto dun at sa pinakadulong pinto sila nagpunta. Napataas ang kilay ni Paige ng buksan ni Margarette ang pinto. This is? Napakakalat at mukhang walang gumagamit nun.
“Tadaaaa!” gulat pa ni Margarette.
Hindi na siguro kelangan yon kasi gulat na gulat na siya. Naalala niya yong suite ni Stephen. Nakapanlulumo naman. Napakalaki. Sobrang laki ng kaibahan nito dun. Maliit na, madumi pa. Napabuntong-hininga siya. Pambihira. Napakaarte pa nya sa lagay nyang yon. Konting linis lang siguro, magiging ok na rin ito.
“Well... ano sa tingin mo?”
Napabaling siya dito. “A-Ah.. Okay lang naman.” Tipid nyang sagot.
“Medyo madumi pero konting linis lang yan Paige.”
Napangiti sya sa sinabi nito. Motivation ba ‘to para hindi sya masyadong madisappoint? Pumasok siya sa loob at tiningnan ang buong kwarto. Pwede na ‘to kesa wala. “Oo nga. Konting linis lang ‘to.” Sabi nya kay Margarette. “Salamat ha.”
“Kung may kailangan ka, andun lang ako sa ikatlong kwarto sa kanan.”
“Dito rin pala kayo nakatira?” Usisa niya.
“Oo. Halos lahat ng nagtatrabaho sa bar,” sagot ni Margarette. “Buti ka pa nga at solo mo ‘tong kwarto. Apat kasi kami dun sa amin.” Swerte pa pala sya ng lagay na yon? Napangiti si Paige. “Sige… Hintayin nalang kita sa baba. Baka marami nang costumer ang naghahanap sa’kin.” Akma na sana itong aalis nang magtanong ulit siya.
“Kelan ako magsisimula?”
“Ikaw ang bahala.” Matipid nitong sagot at tuluyan ng umalis. Hinila ni Paige yong gamit nya paloob. Nabibigatan na rin sya sa back pack nya. Naupo sya sa kama at agad namang napatayo ng may naupuan siyang matulis na bagay. Chineck niya ito. Sira na rin pala ang kama na'to. Labas na ang mga bituka at kasu-kasuan e. Paige chuckled, referring sa spring at foam nito. Napakamot nalang sya sa ulo. Naisip nya sina Nicholas at Stephen. Siguro busy na ang mga ito sa lessons nila. Hinanap niya ang cellphone nya para i-text at kamustahin ang dalawang mokong nyang kaibigan. Doon lang nya nalaman na naiwan nya pala yong cellphone nya sa suite ni Stephen. Tofu! Ngayon lang nya nalaman.
Chapter TwelveNagmamadaling bumaba ng bar si Paige para bumalik sa suite ni Stephen. Hapon na rin at malamang e pauwi na yon galing sa University. Bakit ba naman nalimutan pa nya yong cellphone na yon? Hindi na nga kagandahan mawawala pa. Nakita sya ni Margarette na nagmamadaling lumabas ng bar.
“Paige!” tawag nito at humakbang palapit sa kanya.
“M-May gagawin lang ako,” sagot niya at hindi na ito hinintay pa. Dirediretso syang nagpunta sa maliit na eskinita na dinaanan nila kanina. Malayo-layo rin ang Grand Shire Hotel kaya mahaba-habang lakaran pa ang gagawin niya. Lakad-takbo na nga ang ginawa nya makarating lang ng maaga dito pero inabot pa rin sya ng gabi. Maya-maya pa ay natanaw na rin niya ang entrance ng hotel. Medyo hinihingal pa sya ng pumasok sa lobby nito.
Mukhang nagduda pa sa kanya ang security at nilapitan siya nito para sitahin. “Dito po ba kayo nagi-stay, Miss?” Medyo iba pa ang tono ng pananalita nito na ikinainis ni Paige.
“Hindi. May kaibigan lang akong dito naka-check in,” sagot pa niya. “Galing na rin ako dito kanina. May naiwan lang ako dun sa suite ng kaibigan ko. Hindi mo ba ako natatandaan?”
Napaismid naman ang may katandaan ng security guard. “Sa dami nang tao dito, Miss. Sa tingin mo ba matatandaan pa kita?”
Natigilan si Paige. May point si manong. Sino nga ba naman sya para matandaan nito? “Ano bang pangalan ng kaibigan mo?” Tanong ulit nito sa kanya.
“Stephen. Stephen Lee.”
Napakamot ito sa ulo. Paige arced a brow. Yan kasi patanong-tanong e hindi naman kilala lahat ng guest nila. “Mabuti pa Miss pumunta ka nalang dun sa front desk at itanong mo sa receptionist namin.” Turo nito sa kanya.
“Sir, dito nga po sya tumutuloy… Stephen Lee ang pangalan nya.” Pagmamatigas pa ni Paige. Hassle pa kasi. Bakit kelangan pang i-check sa receptionist e alam naman nya ang room number nito. Dami namang arte.
“Sige na… Pumunta ka na sa front desk,” sabi pa nito at inginuso ang front desk sa may kanan. Wala ng nagawa si Paige kundi ang sumunod. Kainis naman si manong e.
“Yes, Ma’am?” Bungad ng magandang receptionist sa kanya.
Ngumiti naman sya dito saka sinabi ang pakay. “Pwede bang makausap yong kaibigan ko? Dito kasi sa hotel tumutuloy. Baka pwedeng pumunta ako sa suite nya kahit sandali?”
“Okay, Ma’am. Ano pong name ng friend nyo?”
“Stephen Lee. Room number nya 407.” Ayan complete details na binigay nya para hindi na ito mahirapan. Nakita naman nya na hinanap nito sa guest records ng hotel ang sinabi nyang pangalan at room number. Napatingin ito sa kanya at inenter ang mga data sa information system ng hotel para i-double check ito.
“Sorry, Ma’am. Walang Stephen Lee na naka-check in dito.”
Hah? Ano daw? Tama ba ang narinig niya? Walang Stephen Lee na naka-check in doon? Pinagtitripan ba sya ng receptionist na to? Napakunot-noo si Paige. “Sigurado ka ba? Check mo ulit. Baka may error lang sa database nyo.”
Sumenyas ang receptionist kay manong sekyu na nasa gilid at agad naman itong lumapit sa kanya. Inis naman si Paige na sumama dito ng kusa palabas ng hotel. Nagtinginan ang lahat ng nasa lobby sa kanya. Baka iniisip ng mga yon nasisiraan na sya o ano. Napakamot si Paige sa ulo nya saka naupo sa may gilid. Tss. Kainis naman o.
Badtrip naman! Cellphone na nga lang na luma ang hirap pang makuha! Ang engot mo rin kasi Paige. Bakit mo nilimutan? Kelangan mo pang kausapin ngayon si Stephen. Napabuntong-hininga siya.
Nag-isip siya ng paraan kung paano makakapasok ng hindi nahahalata ng masungit na guard. Tyak na nasa room na nito si Stephen. Ang problema nalang e kung paano sya makakapunta dun. Maya-maya may na-spotan siyang paparating na grupo ng mga prominenteng guest. May kung anong okasyon siguro sa hotel. Dali-dali siyang tumayo at nakihalobilo sa mga ito hanggang sa marating nya ang elevator. Nakitawa na rin nga sya sa topic ng mga ito kahit hindi naman nya alam kung ano yon. Nagulat nalang siya ng sya na ang main attraction sa loob ng elevator. Tapos na kasi ang laughing session ng mga ito pero tawa pa sya ng tawa. Buti nalang at malapit na yong floor na pupuntahan nya. Mabilis pa sa alas tres siyang lumabas ng elevator bago pa sya lamunin ng flooring sa kahihiyan.
Walang tao sa hallway gaya ng una niyang punta dun. Saan nga ba ulit yon? 407. Agad niyang hinanap ang room number at madali naman nya itong nakita. Matalas talaga ang mata niya sa oras ng kagipitan.
Palabas na sana ng kwarto si Stephen ng mapansin ang footage ng surveillance cam sa harap ng suite niya. Kilala nya ang mukhang yon. Si Paige? Ano namang ginagawa nya dito? Wag mong sabihing magmamakaawa na naman sya para makituloy? Buti pinayagan ito ng guard. Pagkasuot ng nerd glass ay agad syang nagpunta para buksan ang pinto. Pahirap talaga pag may ibang tao. Kelangan pa nyang magpaka-nerd epek. Bigla naman syang tinulak ni Paige paloob at parang magnanakaw na sumilip pa sa labas para i-check kung may nakakita dito. Tapos mabilis na isinara ang pinto.
“Nangyari sa’yo?” Curious niyang tanong.
Habol naman sa hininga si Paige at matipid na sumagot. “W-Wala.”
“Wala? S-So what are you doing here?”
“May naiwan lang ako.”
“Ano?”
Tumingin ito sa kanya na parang naiinis sa pagtatanong nya. Ito pa ang may ganang maiinis dahil nagtatanong sya. Sino bang nangbulabog sa tahimik nyang mundo? Tahimik nga ba? Anyway, ito pa rin ang parang kabuteng pasulpot-sulpot nalang.
“Parang ayaw mo na akong makita a!” Sabi pa nito saka iginala ang paningin na parang may hinahanap. Bigla itong natigilan saka lumapit sa table. “Kukunin ko lang itong phone ko.” Sabay taas sa cellphone nito. “Naiwan ko kanina.”
Yon lang naman pala. Good. Stephen smirked. “Yan lang ba talaga?”
Dinedma lang ni Paige ang tanong nya dahil tuwang-tuwa itong makita at mahawakan ulit ang cellphone nito. “Buti nalang naisahan ko yong guard!” bulalas pa nito.
Napataas ang kilay niya. Naisahan daw ang guard? He smirked again. “Kaya pala para kang magnanakaw dyan.” Napasandal siya sa pinto habang naka-ekis ang dalawang braso sa may dibdib nya. Mukhang may balak pa
Comments (0)