Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗
- Author: Crimson Skye
Book online «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗». Author Crimson Skye
“Nakakainis kasi yong receptionist. Wala daw Stephen Lee na naka-check in dito.” At tama nga ang hinala nya. Magkukwento nga ito. Hindi na rin naman sya nagtataka sa sinabi nito. “Tingin ko nagka-error yong system nila,” dagdag pa ni Paige.
Sumang-ayon nalang sya dito. “Siguro nga.”
“Sige a… Alis na ako.” Sa wakas ay sabi nito. “Pumunta lang naman ako para kunin ‘to.” Hindi naman siya natinag sa pagkakasandal sa pinto. Mukhang nagkamali sya ng hinala. Cellphone lang pala talaga ang pakay nito.
“May nahanap ka na bang trabaho?” Usisa niya. Hindi niya maiwasang magtanong kahit na labas na yon sa business niya. Matagal bago nakasagot si Paige. Tumango ito pero hindi nagkwento. Kelangan pa tuloy nyang sundan ng follow-up question. “Anong trabaho naman yon?”
Tumingin ito sa kanya. “Tutor. Private tutor actually.”
Medyo gumaan naman ang pakiramdam nya nung marinig ang trabaho ni Paige. Normal lang ang breathing rate nito kaya mahirap sabihin kung nagsisinungaling ba ito o hindi. “So hindi mo na iwi-withdraw ang scholarship mo?” Hindi ito sumagot at nagtungo para sa pihitin ang door knob. Nakaharang siya sa pinto kaya hindi pa rin ito makalabas.
“Padaan,” sabi nito sa kanya. Iwas pa rin ang tingin. Nagkakaroon na tuloy siya ng hinala na nagsisinungaling na naman ito.
“Answer me first.” Matigas rin ang ulo nya.
Naiinis na ata ito at nagtaas ng boses. “Ano ba kasing pakialam mo?”
Mukhang tinablan siya sa tanong na yon. Ano nga bang pakialam nya? Fine. Umalis siya sa pagkakaharang sa pinto at hinayaan itong malayang buksan. Nang makita nyang lalabas na ng pinto si Paige, parinig nalang ang ganti nya. “Liars go to hell anyway.”
Bumaling ito sa kanya. “Hindi ako nagsisinungaling!” singhal nito.
Hindi daw e bakit affected? He smirked.
“Hindi na ako babalik sa University na ‘yon!” At tuluyan na nga itong umalis kasabay ang malakas na pagsara ng pinto.
“Ayos rin ang trip nun a.” bulong ni Stephen sa sarili. “May balak pang sirain ang pintuan?” Sinundan nya ito pero para na namang multo na naglaho nalang. Ilan bang paa meron yon?
Pasimple namang lumabas ng lobby si Paige saka sumulyap sa fourth storey kung nasaan ang suite ni Stephen. Baka yon na rin ang huling pagkikita nila. Ang dami pa naman sana nyang gustong malaman dito kaso nga every meeting always ends in parting. Sayang talaga mukha kasing napaka-interesting pa naman ng buhay nun.
Chapter Thirteen
“Uy, Stephen!”
May tumatawag sa likod nya. Alam nyang may tumatawag sa kanya at alam rin nya kung sino yon. “Stephen!” Lumingon siya at hindi nga siya nagkamali. Si Nicholas. Ilang araw na rin sya nitong kinukulit at nakikibalita tungkol kay Paige. Hindi naman ganun kalakas ang radar nya para malaman ang lahat. “Ano na kayang nangyari kay Paige?” At eto na naman sila. Q and A ulit. “Magda-drop na ba talaga yon?”
Nagkibit-balikat sya. “Yon ang alam ko.”
Papaakyat na sila ng hagdan ng makita nila ang umpukan ng mga estudyante sa di kalayuan. “Anong meron dun?” tanong niya sa kasama.
“Ah… Monthly release ng grades — ... ” Bago pa ito maglitanya ng pagkahaba-haba naisipan na niyang tingnan ang pinagkakaguluhang post sa bulletin. Susunod-sunod lang sa kanya si Nicholas. Sa huli sya nagsimula. Pangalan lang naman nya ang hinahanap nya. Medyo flattered sya ng makitang napabilang pa sa top ang pangalan nya kahit saling-pusa lang naman talaga sya sa University na yon. Top 3? Akalain mo yon! At lalo syang nagulat ng makita ang top 2. Paige Williams? At si Tiffany Cooper ang nag-top. Milagro ata ang nangyari dun a.
“Sayang talaga si Paige.” Andun na naman si Nicholas at bubulong-bulong sa tabi nya. “Ilang araw na syang absent.” Nanlaki ang mata nito nang makita ang pangalan nya sa top. Napatingin ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. “Congrats! Top 3 ka pala dude!” Napangiti lang siya dito saka dumeretso na sa klase nila. Unang-una nya kasing nabasa ang pangalan ni Nicholas.
Nanghihinayang rin naman sya sa outstanding remarks ni Paige that will just end up in nothing pag nag-withdraw ito. Hindi pa sya sigurado sa current state nito. Totoo kayang tutor ang napasukan na trabaho ng babaeng yon? Wala rin naman syang text na narereceive mula sa warfreak nyang kaibigan. Napakamot sya sa ulo sa kaiisip. Why is he worrying too much about that girl? Hindi naman pagiging guardian ni Paige ang pinunta nya sa Hartford a.
Malapit na sila sa klase nang may makasalubong silang mga MIB. Daig pa kasi ng mga ito ang Men In Black kung magdamit at kumilos. Kinutuban naman agad siya sa dating ng mga ito. Agent ba? Pero sa anong department? He guess not. Hindi naman pamilyar ang pagmumukha ng mga ito sa kanya.
**thud**
Nagkalat ang maraming papel sa daanan. Sinadya nyang banggain ang isa sa mga ito na ikinahulog ng dala nitong mga papeles. “I’m sorry.” Cool at seryoso pa ang pagkakasabi niya saka dali-daling pinulot ang mga nahulog na papel. Maging si Nicholas ay napalimot na rin ng wala sa oras. Mabilis namang kinuha ng mga ito sa kanya ang mga dokumento na parang ayaw pang ipahawak sa kanila. Presto! May kopya na rin sya ng mga ito. Palihim niya itong kinunan ng picture gamit ang cam na naka-incorporate sa nerd glass na suot niya. Masyado na talagang advance ang technology. Nagmamadali namang naglakad papalayo sa kanila ang mga ito na parang inis na inis sa pagkakabangga niya. Kahit kelan talaga magaling syang mang-inis ng ibang tao.
Tinanaw pa niya ang paglayo ng mga ito hanggang sa mawala na sa paningin niya. Ilang sandal i pa ay tinawag siya ni Nicholas para iabot ang isang papel. May natira pa pala sa mga papeles na nahulog kanina. Napangiti naman siya. Baka makatulong pa ang isang ito sa misteryong pinipilit nyang resolbahin. Good for him but not for them.
Habang klase ay walang ginawa si Stephen kundi tingnan ang nilalaman ng papel na yon. Mukhang parte lang ito ng isang chemical components. Kahit yong illustration at graphing ay hindi buo. Napabuntong-hininga siya. Parang isang piraso lang ng jigsaw puzzle ang nakuha nya. Nakamasid lang sa kanya si Nicholas na hindi maintindihan ang mukha.
Ano ba talagang meron dito kay Stephen? Parang ang cool nyang tingnan kapag nag-iisip a! Ngingisi-ngising bulong ni Nicholas sa sarili.
“Freeman!”
Napatingin si Stephen sa nerd na nasa bandang likuran nya. Hindi ata naririnig nito ang pagtawag ng prof nila. Sumenyas siya dito at saka lamang ito natauhan.
“Sagutan mo itong differential equation na nasa board.” Mataas ang boses ng prof nila. Mukhang high blood na naman. Sabagay sanay na sila dito. Kaya siguro tumandang dalaga. Aanga-anga namang tumayo ang kaibigan nyang may pagka-bopols rin. Binasa nya ang board work. Hindi rin kasi sya nakikinig dahil matagal na nyang napag-aralan ang subject na ‘yon. Madali lang naman pero namumutla na sa takot si Nicholas. Nag-volunteer nalang si Stephen para saluhin ito.
You owe me one. Tumingin sya dito bago pumunta sa board. Mala-anghel naman ang tingin nito sa kanya saka tumango. Mukhang na-gets ang tingin nya. Kahit hindi pa nya alam kung anong favor ang hihingin nya dito at least may pang blackmail na sya. Madali lang nyang natapos yong problem. Pabalik na sya sa upuan ng mapatingin sa bakanteng seat sa tabi nya. Bigla nalang nag-echo ang pangalan ni Paige sa utak ni Stephen na bahagya nitong ikinainis. Ano namang kinalaman ng college student na yon at pumasok na naman sa isip ko ang pangalan nya? He shook his head.
At nang matapos ang maghapong yon, nauna nang umuwi sa kanya si Nicholas dahil may importante daw itong gagawin. Pabor naman kay Stephen ang nangyari dahil walang makulit na nerd na manggugulo sa plano nya. Ilang araw na rin kasi nyang sinusubaybayan ang mga taong involved sa research lab at na-sort out na rin niya yong mga taong malaki ang participation dito. Nangunguna pa rin sa listahan ang mag-amang Gregory. Kelangan nya tuloy pumasok sa registrar’s office para makakuha ng ilang impormasyon sa dalawang yon. Pumasok siya sa sasakyan na naka-park sa may gawing kanan ng parking area ng University. Marami pa ring sasakyan ang naka-park dun kaya imposibleng pagdudahan siya ng security. Hihintayin pa rin nyang gumabi bago pa nya maisagawa ang plano nya. Mahirap kung ngayon. Masyado pang maraming staff sa office na pwedeng makapansin sa kanya.
Ilang sandal pa ay naalimpungatan si Stephen sa pag-start ng sasakyan sa kaliwa nya. Nakatulog na pala sya at gabi na rin. Thiry minutes past seven ng tingnan nya sa wrist watch. Tss. Napahaba ang tulog nya. Agad siyang lumabas ng sasakyan at dumaan sa back entrance ng parking area. Sa fire exit sana kaso medyo malayo pa ito sa lugar kung saan naka-park ang kotse nya. Baka makita pa sya sa surveillance cam. Delikado.
Ganito lang ba kadaling pasukin ang admin nila? Pangmamaliit niya sa security personnel ng Hartford. Madali lang niyang napasok ang Administrator’s Building nang wala man lang nakakapansin sa kanya. Mabilis nyang sinimulan ang pagkuha ng impormasyon na kelangan. Magkalapit lang naman ang admin at registrar’s office kaya hindi sya masyadong nahirapan. Inuna nyang puntahan ang registrar. May iilang staff pa sa admin. Wala naman pati syang masyadong kelangan sa dun dahil yong mga files at record na punterya nya ay nasa registrar. Mabilis syang nakapasok sa loob. Hindi kasi naka-lock ang office na gaya ng inaasahan nya. Ganun ba talaga kaluwag ang mga ito?
May kalakihan rin pala ang kwartong ito. Puno ng nagtataasan at naglalakihang drawer na may iba’t ibang labels at year. Registration reports siguro ng mga estudyante. Student files naman ang hinahanap nya. Inisa-isa pa nyang puntahan ang mga ito. Napakarami kasing drawers at lockers. Yong iba naka-lock. Kelangan pa nyang gumamit ng pin para lang mabuksan yon. Disappointed lang sya ng makitang puro examination sheet pala ang laman nun. Saan naman kaya nakalagay ang student records ng mga ito? Aish. At last! Nasulyapan nya ang isang drawer na hindi naman kalakihan. Malapit ito sa registrar’s desk. Sigurado na sya sa isang ‘to dahil mliwanag naman ang nakasulat: STUDENT FILES. Naka-sort na rin by year. Nagtaka siya dahil nasa letter G na sya ng current semester pero walang Gregory, Christopher na makikita dito. Naka-alphabetized naman ang mga files kaya hindi sya nagkamali.
“Ano sya ghost student para hindi magkaroon ng record dito?” tanong pa nya sa sarili.
Nahihiwagaan na sya sa pagkatao ng mokong na yon. Naisipan nyang buhayin ang computer. Baka hindi updated ang hard copies ng mga ito. Mas mabuti pang sa system na miso tingnan. Gaya ng inaasahan. Nag-prompt ng admin password. Inilabas nya ang isang data sync device at sinimulan ang pagsi-sync ng data. Kasama na dito ang password, lahat ng mga keystrokes at files na nasa computer na yon. Medyo mabagal ang process sa dami ng data. Pingpapawisan na rin sya. Lalo na ng may narinig syang usapan papalapit sa registrar’s office kung nasan sya. Mga night guards. Nakauwi na yong mga staff ng admin kaya sya nalang ang tao dun. Ten percent pa. Papalakas ng papalakas ang usapan.
Come on! Bilisan mo naman! Para nang sira si Stephen dahil kinakausap na nya yong hawak na device. Titig na titig sa bawat progress nung green na linya. Sync Succeeded! Halos mabunutan sya ng tinik sa nabasang notif. Hinigit nalang nya yong wire na nakasaksak sa socket para mamatay yong computer. Wala nang proper shutdown na nangyari. Malas lang at natabig pa nya yong pencil case sa desk.
“Pare, may narinig ka ba?” tanong ng isang guard sa kasamahan. Umiling naman ito at agad na nakiramdam. “Parang may ingay akong
Comments (0)