bookssland.com » Mystery & Crime » Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗

Book online «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗». Author Crimson Skye



1 ... 11 12 13 14 15 16 17 18 19 ... 24
Go to page:
Chapter Fifteen

Nagpapakiramdaman sila sa bawat segundo na lumilipas. Isang mabilis na sipa agad ang ibinigay niya kay Drake na hindi pa nito inaasahan. Sabay-sabay naman siyang sinugod ng mga kaibigan nito. Mabilis namang nakailag si Paige. Nauwi na nga sa riot ang nangyari. Pinagpyestahan naman sila ng mga taong nandun sa bar habang nakapaligid ang lahat sa rambulan nila. Wala rin namang naglakas-loob na umawat at makigulo pa sa kanila. Ilang minuto pa ay nakahiga na sa sahig ang grupo ni Drake. Ito nalang at si Paige ang makikitang nakatayo at walang masyadong gasgas.

Si Stephen naman nakamasid lang sa may pinto at pinapanood ang nangyayari. Mukha namang kayang-kaya ni Paige ang mga kaaway nito. Sa una hindi talaga nito akalaing palaaway ang babaeng yon. May tinatago rin palang pagka-amazona. Kaya naman pala war freak ang tawag ng lahat dito e. Isa pa, naiwan niya ang disguise glass nya sa sasakyan baka mamukhaan pa sya nito pag nagkataon.

“Ano na?” Mayabang pa na tanong ni Paige kay Drake. “Yan lang ba ang kaya nyo? Manggugulo kayo sa buhay ko tapos yan lang?”

Napaatras naman siya ng makitang naglabas na ng kutsilyo ang mga ito. Hindi nya akalaing may dalang patalim ang mga impaktong yon. Nagtilian na ang mga babae sa bar at nagtakbuhan na rin yong iba palabas. Life is really unfair. Naisip ni Paige. Hindi man lang sya na-inform. Di sana bumili sya ng palakol at ng masibak nya ang pagmumukha ng mga mokong na yon. 

“Ano na Paige?” Ngisi ni Drake. “Alam kong hindi mo kami aatrasan, hindi ba?” Unti-unti itong lumapit papunta kay Paige na mabilis na kumuha ng walang lamang bote sa counter.

Maging si Stephen ay naalarma na rin sa nangyayari. Sobra naman kasi kung manudyo itong si Paige. Mapipilitan na ata syang makisawsaw sa gulo. Hayy. Ano ba naman ‘to? Hindi na yon parte ng trabaho nya. Tss. Pambihira naman o.

Nasapol nga ni Paige ng bote ang dalawang kaibigan ni Drake but the downside is hindi nya ito napansin na pasugod sa kanya. Buti nakaiwas sya at sugat lang sa kamay ang nakuha nya. Wala na syang laban dito. Masakit ang kanang kamay nya at hindi na makakuha pa ng boteng pwedeng ipanlaban dito. Yong kaliwang kamay naman nya pinipigilan ang pag-agos ng dugo sa sugat niya. May kalaliman rin ito dahil sa dami ng dugong pumapatak. Pag minamalas ka nga naman. Bulong pa niya saka tumakbo palayo dito. Naabutan sya ni Drake at sinabunutan sa buhok.

“San ka pupunta?” bulong nito sa tenga ni Paige habang pinaglalaruan ang talim ng kutsilyo sa mukha niya.

“Walang hiya ka talaga Drake!” nasambit nya dito nang maramdaman na nasa leeg na niya ang patalim na hawak nito. Idagdag pa ang parang nasisiraan na ngisi nito. “Mamatay ka na!”

“Tama na!” Maging si Margarette ay napasigaw na rin sa takot. “Paige!”

Maya-maya pa ay naramdaman nalang ni Paige na may humaltak sa lalaking baliw na nasa likuran niya. Nakita na lamang nya itong tumalsik sa isang mesa sa gilid. Wala na rin dito ang patalim na hawak nito. Napatingin siya kung sino ang nagpatumba dito. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa ilaw sa bar at sa hood na suot nito. Ang alam lang niya matangkad at slim ang physique nito. Nasa kamay na nito ang patalim na kaninang nasa pag-aari ni Drake. Naagaw nya ng ganun-ganun lang yon? Napaisip si Paige. May proper training kaya ang isang 'to? Mukha kasing hindi basta-basta ang kilos at tindig nito.

“Hindi pa tayo tapos Paige.” Banta ni Drake sa kanya at iika-ikang tumakbo palabas ng bar. Nabali ata ang balakang nito sa pagkakatilapon sa lamesa. Napakahuna naman pala ng buto mayabang pa rin kung umasta. 

Namayani pa rin ang pagka-amazona niya. “Sige. Hihintayin ko yan.” May sugat na nga e nagawa pa rin nyang magyabang. Sabi nga.. Ang mayabang galit sa kapwa mayabang. Nang lingunin niya ang lalaking tumulong sa kanya para magpasalamat, nawala nalang ito na parang bula. Hindi man lang ba yon mag-dedemand ng “thank you” man lang sa’kin?

Lumapit agad sa kanya si Margarette. “Paige. Yong sugat mo.”

“Ah.” Medyo nagulat pa sya at naalala na may sugat nga pala sya. “W-Wala ‘to. Wag kang mag-alala. Sanay na ako.” Ngumiti pa sya dito.

“Mas mabuti pang umalis ka na dito ngayon,” payo nito sa kanya. “Tyak na magagalit si Boss at papalayasin ka rin nya. Hindi mo pa yon nakikitang magalit.” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at concern.

Nag-aalinlangan pa siya. “E sinong magbabayad ng mga nasira dito?”

“Ako na ang bahala. Basta umalis ka na bago ka pa abutan nun.” Pagmamatigas nito. “Saka ko na ibibigay sa’yo ang mga gamit mo. Sa ngayon, umalis ka na.”

Dahil sa tumataas na rin ang boses nito. Wala na syang nagawa kundi ang sumunod dito. Patakbo na rin syang lumabas ng bar na hindi pa alam ang pupuntahan. Bwisit kasi yong Drake na yon! Nangangatal pa sya sa galit. Malayo na rin ang kanyang nalalakad. Pulang-pula na sa dugo yong damit nya dahil dun nya binalot yong kamay nyang nasugatan. Pahapdi na rin ito ng pahapdi. San na sya ngayon pupunta? Naisip nya si Margarette. Pati tuloy yong tao nadamay. “Pesteng Drake talaga yon!” bulong niya. Kukunin na sana niya ang cellphone sa bulsa ng may tumigil na sasakyan sa tapat nya. Mabilis naman syang lumayo dito sa pag-aakalang kaibigan ni Drake yon.

“Sakay! Bilis!” Nagulat nalang siya ng marinig ang pamilyar ang boses nag driver nito. Stephen? Napatingin siya sa sasakyan. Kay Stephen nga yon. Bumukas ang pinto sa passenger seat at agad syang sumakay dito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.

Hindi naman siya pinansin nito at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Halos nasa 80-100kph na ata ang takbo nila. Buti nalang at hindi na traffic at baka nakabangga na sila. Malaki pang bayarin pag nagkataon. Napaiktad siya ng biglang sumakit ang sugat nya. Naramdaman na rin niya na basang-basa na ang damit niya sa dugo. Tinatago pa naman nya kay Stephen ang sugat nya. Sesermunan na naman sya nito sooner or later.

Napasulyap sya dito. Saan naman kaya kami pupunta? Bakit parang iba ang mood ng isang ito ngayon? Tsaka kung saan-saan nalang sumusulpot. Ang dami pa nyang gustong itanong dito pero dedma naman sya nito. Okay na naman sa kanya kahit saan basta makalayo lang sa bar na yon. Bahala na kung san siya magpapalipas ng gabi. Natanaw nalang niya ang Grand Shire Hotel sa di kalayuan at maya-maya pa ay nasa harap na sila nito. Anong gagawin naming sa suite niya? Mabilis na bumaba ito ng sasakyan dala ang back pack at jacket nito sabay hagis ng susi sa isang empleyado ng hotel para sa valet parking service. Mukhang nagmamadali ito ngayon at nagpunta agad sa receptionist para sa susi ng suite nito. Nakasunod naman si Paige hanggang sa elevator.

“Sa’yo ba talaga ang suite na ‘yon? Bakit kelangan mo pang humingi ng susi sa receptionist?” Usisa ni Paige habang pinapagaan ang atmosphere sa loob. Silang dalawa lang kasi ang nandun at wala pang imikan.

 

Nagulat siya ng magsalita rin ito sa wakas. “Na-misplace ko kasi kaya nag-rerequest pa ako ng panibago, gets?” Yon lang at balik na ulit sa walang imikan. At least alam niya na hindi pa naputol ang dila nito. Ilang minuto pa ay narating na nila ang suite nito. Mabilis naman itong dumeretso sa kwarto nito at naiwan siya sa sala. 

Chapter Sixteen

Matapos ang ilang segundo ay lumabas na si Stephen dala ang medicine kit at naupo sa couch. Tumingin ito kay Paige at sumenyas na lumapit dito. Sumunod naman agad si Paige at naupo malapit sa tabi nito.

“Patingin nga...” sabi nito na ang tinutukoy ay yong sugat nya sa kamay. Asiwa pa si Paige na iabot dito ang duguang kamay. Warm blood was still flowing from the open wound. 

Naningkit ang mga mata ni Stephen ng makita ang worst state nito. “Ano bang nangyari sa’yo?” tanong nito at nagpunta sa kusina para kumuha ng maliit na basin na may lamang tubig.

Mabilis namang nakaisip ng alibi si Paige. “Ah. A-Ano kasi… N-nanakawan ako kanina.” Alam nito na magdududa pa rin ito kaya dinugtungan pa nya. “Syempre nanlaban ako kaya ito... nasugatan tuloy ako.”

Psh. Ayos rin ang drama a. Stephen silently scoffed. Alam naman kasi nya ang totoo. Likas na ata talaga sa isang ‘to ang pagiging sinungaling. “Buti hindi ka tinuluyan?” Medyo pang-asar pa ang tono niya.

Bumaling ng tingin sa kanya si Paige. “Ang sama mo naman!” Hindi sinasadyang nahigit niya ang kamay nito sa kalikutan. “Aray! Concern ka na nyan?”

“Wag ka nalang ngang maingay dyan!” Napataas na rin ang boses niya. “Ang likot mo kasi.” Medyo tinablan ata si Paige at hindi na gumalaw sabay tahimik. Hindi pa rin tumitigil ang pag dugo ng sugat nito. “Kumakain ka ba ng tama?”

“Bakit naman pati pagkain ko napasama na sa usapan?”

He twisted his lips. “Mabagal mag-clot ang dugo mo.”

“Meaning?”

“Kulang ka sa white blood cells.” Explain nya dito na medyo naiinis na. Sa anong rason? Hindi rin nya alam. “Ano ba yan? Simpleng biology lang.” Bulong niya habang nililinisan ang sugat nito.

Narinig ata nito ang sinabi niya kaya nag-react. “Malay ko ba! Hindi naman ako interesado sa biology na yan e. Hindi ko nga pinapasukan kung minsan yon! Kaya nga architect ang kinuha ko di ba?” Inirapan sya nito.

May pagka-amazona talaga. Hindi nalang siya nagsalita. Maya-maya lang ay tumigil na rin sa pagdugo. Kinuha niya ang ointment saka nilagyan ng bandage ang kamay nito. Mahihirapan si Paige ngayon lalo na’t kanan pa ang nasugatan. Ano naman kayang kasalan meron ang babaeng ito at ganun nalang ang galit nung lalaki kanina?

“Paano mo nga pala nalaman yong sugat ko sa kamay?” tanong ni Paige. Hindi nga naman masyadong halata yong sugat dahil natatabunan ng blazer na suot nito.

“Anong palagay mo sa’kin bulag? Kanina ka pa nimimilipit sa sakit dyan e.” Yon nalang ang nasabi ni Stephen. Tumahimik naman si Paige sa simple reasoning scheme na sinabi niya. Kung hindi dahil sa kanya baka hindi lang yon ang inabot nito. Masyado kasing malakas ang believe sa sarili. Naiirita na naman si Stephen sa tuwing naiisip ang pagiging careless ni Paige. Paano nalang pala kung hindi nya ito nasundan? Napailing nalang siya sa naisip.

“E paano mo ako nakita?” Tanong ulit nito. “Tsaka anong ginagawa mo naman dun?”

Napatigil si Stephen. Tss. Ang kulit rin no? “Nakita kitang naglalakad sa sidewalk kaya sinundan kita.” Hindi naman sya nagsinungaling dito. Ngayon pa lang… “Tapos bigla ka nalang nawala. At dun nalang ulit kita nakitang palakad-lakad na hindi maintindihan kung nababaliw na ba o naliligaw lang. Pauwi na nga ako nung time na yon e.” Tumango lang ito sa mga sinabi nya.

Matapos lagyan ng bandage ay agad namang hinaltak ni Paige ang kamay sa pagkakahawak niya. I can’t believe it! Sya na nga itong inaalala sya pa ang may ganang mang-away? Psh. Pinigil nalang niya ang sariling mainis ng tuluyan. “Hindi ka man lang ba magti-thank you ha?” Pang-aasar pa nya dito.

Tumingin ito sa kanya saka pa-sweet na nagsabing, “Thank you po.” Sabay irap ulit pagkatapos. Ano bang ugali

1 ... 11 12 13 14 15 16 17 18 19 ... 24
Go to page:

Free e-book «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗» - read online now

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment