bookssland.com » Mystery & Crime » Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗

Book online «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗». Author Crimson Skye



1 ... 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24
Go to page:
Paige ng hindi man lang ni-lalock yong pinto. Napaka-careless niya. Paano kung may pumasok? Kahit na naka-lock itong kwarto nya. It was still a risk. Nag-ring ang phone niya. Sino naman kaya ang nakaalala. Maybe it was that person again. He reach for it and was surprised na si Paige ang nagtext.  Chapter Twenty

| Sorry. |

 

Tss. Yon lang? She was just sorry. Stephen sighed. He locked the phone, ignoring the text. Bahala ka na nga. Medyo maiinit pa rin ang ulo niya. At least Paige admitted her own fault. Maya-maya ay nag-ring ulit ito. Ayaw na sana niyang pansinin pero na-tempt pa rin syang basahin ang message nito.

 

|  Nakipagkita lang ako kay Margarette para kunin yong gamit ko kanina. Hindi ko sinasadyang hindi i-lock yong pinto. Promise. Badtrip nga dahil nanakawan pa ako. Heheh :)  |

 

What? Nanakawan sya? Ano na naman bang excuse yon? Gasgas na. He simpered, reading the text again. Nanakawan na pero mukhang masaya. May paglagay pa nga smiley. Hindi nakatiis si Stephen and hurried for the door. Nagulat naman si Paige ng makitang nakatayo na sya sa pinto ng kwarto nya.

He looked at her for a long moment. “I demand an explanation,” Stephen remarked as he crossed his arms over his chest habang nakasandal sa partly open na pinto ng kwarto niya. Paige nod at told all her misfortunes to him. Hindi niya alam kung maaawa ba sya o matatawa sa lahat ng kamalasan nito sa buhay. She should be thankful she was still alive. Napailing nalang sya sa naiisip at napansin ang bulak na nakalagay sa ilong ni Paige. Pati ang sugat sa may lower lips nito. Pati bata pinapatulan. Yan tuloy nangyayari.

“Hindi pa nga gumagaling yang sugat mo. Di ka pa nakontento at dinagdagan mo pa.” He scold her and went to get the medicine. He was not a medical student for crying out loud pero hindi nya maiwasang hindi gamutin ito. Nakatingin lang sa kanya si Paige habang pinapalitan niya ang bandage sa kamay nito. “Now tell me, kelan mo ba gagamitin ang utak mo?” He saw na nag-pout ang lips nito. Isip bata. Amazonang isip-bata.

“Ginagamit ko naman ang utak ko. Habulin lang talaga ako ng gulo,” pagtatanggol ni Paige sa sarili. Stephen threw her a meaningful look but keep his silence tsaka pinagpatuloy ang paglinis sa sugat niya gamit ang malinis na tubig at cotton balls. Napapapikit siya sa sakit kapag nasasagi yong sugat nya. Sariwa pa rin kasi ito.

“Ang tapang mo rin, ano?” Narinig niyang sinabi ni Stephen without looking at her. Busy ito sa pag-dress ng sugat nya. He was too focused and gentle at the same time. Worried siguro na baka masaktan sya. Nag-blush si Paige sa na-oobserbahan nya but she managed to conceal it. “Your wound is quite deep. Kung iba siguro yan nag-panick na,” Stephen added with a smile.

Nabawasan ang guilty na nararamdaman niya ng makita itong ngumiti. Maybe he was not that angry. She smiled at the thought and said, “Sanay na nga kasi ako.” Ilang away na nga ba ang napasok nya? Nakalimutan na nya sa dami.

“Ang kapal siguro ng kalyo mo sa kamay kaya hindi ka masyadong tinablan.”

Mahina lang ang pagkakasabi nito pero narinig pa rin niya. Ano daw? Makapal ang kalyo ng kamay nya? Medyo naiinis naman siya sa term na yon. Okay na sana e. Nagpahabol pa. Kinalma nalang niya ang sarili at mas piniling manahimik. Hindi ka maiinis Paige. Cool ka lang. She kept on reminding herself. Tandaan mo. Nililinis pa nya ang sugat mo. Pinilit niya ang sariling ngumiti.

At sa wakas, natapos rin ang session nila. But it was wrong for her to think like that. Stephen drew closer at her and touched her chin. Nagulat siya sa ginawa nito kaya agad na umagwat dito. “A-Anong gagawin mo?” she asked near hysterical.

Stephen twists his lips, restraining to laugh. Ano bang iniisip nya? Feeling naman ‘to. He simpered saka iniabot ang cotton ball kay Paige. “Linisin mo yang dugo sa labi mo,” sabi nya dito. “May salamin sa bathroom.” Inilagay niya ang ointment sa table na nasa harap nila and immediately returned to his room.

Paige made a face. Tss. Yong two-faced geek talaga na ‘yon. She circled her eyes. Napabaling ang atensyon niya sa mga paper bags na nasa tabi ng table. Parang shopping bag ang mga ito sa laki. Psh. May gana pa mag-shopping? Hindi pa dinala sa kwarto nya. Pa-inggit lang? After a while, she received a text from Stephen.

 

| May pagkain dyan sa paper bag. Hanapin mo nalang. |

 

Para siyang nanalo sa lotto ng mabasa ang text nito. Sobra-sobra na talaga ang gutom niya. Hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa. Binuklat nya kaagad ang mga paper bags at hinanap ang grasyang sinasabi ni Stephen.

Wow! Ang daming prutas naman nito.

Puro prutas kasi ang laman nung bag na binuksan niya. Yong isa naman isang order ng French dish na hindi naman sya pamilyar. Halos makakakain na ang tatlong tao sa meal package na yon. Mukhang pang mayaman at mamahalin talaga. Tsaka mukhang masarap. Pwede namang simpleng dish nalang e. Takam na takam na sya sa nakitang mga pagkain. She doesn’t even expect for it at wala rin syang balak na tanggihan ito.

Grabe ang bait naman niya. Ano kayang naisipan nun at nagdala pa ng ganito? Nakakahiya naman.

Nagi-guilty na tuloy si Paige sa pagsusungit nya dito. May tinatago rin palang kindness yong geek na yon. Maya-maya ay nakareceived ulit sya ng text galing kay Stephen:

 

| May ilang pairs ng damit rin akong binili. Wag mo nalang suotin kung ayaw mo sa design. |

 

Binuklat nya yong natitirang bag. Medyo masculine ang style pero okay na rin. Sanay naman syang magsuot ng mga unisex at bland design na damit. Ito na ata ang time para ma-touch siya sa ginawa nito. Namalayan nalang niya na nagka-clog na ang luha sa mata nya. First time kasing may nag-effort para sa kanya except for her mom. Dali-dali naman nya itong pinunas.

Seryosong nakatitig si Stephen sa monitor. He simpered seeing that Paige was somewhat weeping. Drama. Kitang-kita na pinipigil pa nito ang pag-iyak. Naawa siya sa situation nito. Hindi nya akalaing nag-iexist talaga yong mga taong ill-fortune to maximum extent. Kaya kahit anong inis niya, nakokonsyensya siya kapag nakikita nya ang kalagayan nito. Hindi naman ganun kabato ang puso nya. Specially for a girl as hopeless as Paige. May natanggap siyang text galing dito:

 

| Thank You. |

 

Wala namang espesyal sa text na yon pero he felt lighter than usual. It seems na sincere ito sa pagti-thank you sa kanya. Nakatitig pa rin sya sa monitor at nakitang nagta-type ito sa cellphone. May nareceived ulit syang text galing kay Paige:

 

| Hindi na kita aawayin. PROMISE. Magpapakabait na ako. Bestfriend. |

Halos maubo siya ng mabasa ang text nito. What? Bestfriend? Ginawa syang bestfriend ni Paige. Bestfriend ako ng isang complete stranger? Take note, college student pa. Okay sana kung ka-level nya ito. O isa sa mga colleagues nya sa Intel. It doesn’t mean na dinadown nya ang status ni Paige. Ang layo lang ng living principle nilang dalawa. Kahit line of work sobrang layo. Pero hindi naman nagkakalayo ang age nila. One thing he was sure about. Only their professional standard creates a huge gap between them. Though, things like that can be reconsidered. Nagtext ulit ito:

 

| Hindi na ako makikipag-away. :) |

 

 

He found himself smiling without a certain reason. One thing entered his mind. She might be a college student or just a simple girl but someday she will be one of the great people whom he wouldn’t regret of meeting. Besides, that’s the least he can do for her. 

Chapter Twenty One

3 AM. Stephen sighed and touched his forehead. Wala pa syang tulog. Nagkalat ang iba’t ibang classified documents na pinag-aaralan nya sa sahig. Even his bed was filled with valid references na may kinalaman sa kasong hinahawakan nya na nanggaling pa mismo sa Intel. Hanggang ngayon ay wala pa syang malinaw na suspect. Lahat ng mga impormasyon na hawak nya ay mayroong variation at malaki ang discrepancy sa bawat isa. Mahirap pagtuma-tugmain ang mga ito. Akala nya madali lang nyang malulutas ang kasong yon pero mukhang marami ang involve at kakailanganin pa ng adequate time para makalap lahat ng mga kailangang detalye.

He leaned his back on the swivel chair saka itinaas ang dalawang paa sa worktable na nasa isang sulok ng kwarto nya. Nakatitig lang sya sa kisame habang pinaglalaruan ang mechanical pencil sa kamay niya. Sa sobrang daming pumapasok sa utak nya he doesn’t know where to start now.

Ipinikit niya ang mga mata. In this situation, kelangan nyang bumalik ulit sa simula. Ano na nga bang status ng kaso? Bukod sa na-breach at naka-create na sya ng remote access sa information system ng University, napag-alaman rin nya na wala ni isang record si Christopher. Mapa-printed o electronic pa, which in one way or another was confusing. Hindi naman valid reason yong meron ka lang influential father. He wasn’t sure kung nakakahalata na ito na may hindi tama sa ikinikilos niya. Lahat ng makakaya nya ginagawa na nya para lang i-conceal ang real identity nya so it’s impossible na alam na nito na may mole sa Hartford. In some way, kelangan nya munang magpalamig sa pagsunod-sunod dito. He needs distinct and valid information about that Christopher and his father first. A name flashed on his mind. Mukhang alam na nya kung sinong makakatulong sa kanya. He reached for his phone and dialed a certain number. It caused him a couple of minutes bago pa may sumagot sa tawag niya.

“Goodness! Alam mo ba kung anong oras na, Stephen?!” Sa tono ng pananalita nito, halatang naiinis na ito sa kanya.

“Relax.” Kampante niyang sabi sa kausap.

“Gaano ba kaimportante yan at nagawa mo pang mag-istorbo sa ganitong oras?” Inis pa rin ito. “Kahit kelan talaga wrong timing ka.”

Napabuntong-hininga si Stephen. “Kelangan ko lang ng tulong mo.”

“Let me guess.” Pusta nito. “May ipapahanap ka na namang tao ano?”

Stephen smiled. “Nope. Not exactly. Information lang about sa isang tao.”

“O sya sya. I-send mo nalang sa account ko. Bye.” Pinatayan na sya nito. He smirked. Hindi na ito nagbago. Lagi nalang syang pinapatayan. He set aside his phone at saka nag-browse ng ilang files at hinanap ang account nito. Arthur Irving. Maya-maya ay nag-ring ang phone nya. Sabi na ba tatawag ka.

“Natanggap ko na.” Bungad agad nito sa kanya. “Mukhang hindi mapapagkatiwalaan ang isang ‘to a.”

“Oo na.” Sang-yon niya na may kasamang pang-aasar na rin. Tinitingnan rin nya ang picture ng mokong na Christopher na yon tsaka ang tatay nito.

“Kelan mo ba kelangan?”

Perfect question. He smiled and replied, “A-S-A-P.” Pagkasabi nito ay pinutol na nya ang conversation nila ni Arthur. They’re even now. Just like the old days. Trusted friend at informant nya si Arthur even its brother

1 ... 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24
Go to page:

Free e-book «Dating a Geek - Crimson Skye (i love reading books .txt) 📗» - read online now

Comments (0)

There are no comments yet. You can be the first!
Add a comment